letra de kailan kaya - ian quiruz
magkatabi, malamig at
magkahawak ang kamay
nasa ilalim ng kalawakan
nasa ulap ang lag-y
kailan kaya, kailan kaya
masisilayan ang mukhang
tuyo na ang mga matang
muntikang malunod sa sigwa
nasa’n kana? kailan mo ba
bibigyang kulay ang mundo?
hinihintay tayo ng buwan
tanging ikaw lang at ako
nais subukan ayaw maulit
oras iikot pabalik
maitatama pa ba
dating pasya sa panaginip?
sana ay naririnig
na handa akong maghintay
at hindi kita masisisi
kung ayaw mo sa akin
‘di mo kasalanang ‘di ako
at kung magbago’ng isip
‘wag mahiyang sabihin
baka sakaling makalimutang
mag-isa
halika na, dadalhin ka
sa gitna ng kagubatan
saksi ang bawat alitaptap
mamahalin ka nang lubusan
malay ko ba, malay mo ba
kung tayo’y sa isa’t isa
ang mahalaga, nandito ka
kaya sinta
‘di naman naiinip
kung ikaw rin lang ang
hinihintay
dahil hindi kita masisisi
kung ayaw mo sa akin
‘di mo kasalanang ‘di ako
at kung magbago’ng isip
huwag mahiyang sabihin
baka sakaling makalimutang mag-isa
dahil hindi kita masisisi
kung ayaw mo sa akin
‘di mo kasalanang ‘di ako
at kung magbago’ng ihip
ng hangin ay sabihin
‘di namalayang tumitibok pala
hanggang kailan mananatili
sa labas ng pintuan
bumubuhos ang ulan
naghihintay na pagbuksan
kailan kaya, kailan kaya
kailan kaya masisilayan
para naman makalimutang mag-isa
letras aleatórias
- letra de hentoo - isac elliot
- letra de quavo - nemo p
- letra de khi nỗi đau dừng lại - diệp bảo ngọc
- letra de ladybug - jeffrey eli
- letra de eggshells - abby holliday
- letra de llamame viniendo - clara cava
- letra de i'ma get mine - t1c3
- letra de born again - janet paschal
- letra de boo nop woo wop - jay 305
- letra de spouse - blvckmantis