letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de ang balikat at baywang - ian quiruz

Loading...

[intro]
sa ilalim ng bituin (ilalim ng bituin)
sa liwanag ng buwan (liwanag ng buwan)
sa may ′di kalayuan ay ikaw ang siyang tanaw
kung mangusap ang mata (mangusap ang mata)
at itulak ng paa (itulak ng paa)
matutukoy ba kung dibdib ko
ay kakaba-kabang
magsabi ng nararamdaman?

[verse 1]
sa’ng lupalop nagmula
pangungulilang ′di naman sinadya?
sa pag-agaw ng dilim
lalong sumilay ang iyong talinghaga

[pre-chorus]
sana naman ay palaring makadaupang palad ka
at maisayaw sa lilim ng puno ng akasya
lahat ng aking nabuong pangungusap sa’yo napupunta
hindi na isusulat ang ‘di maipinta

[verse 2]
huwag, ang sabi ng iba
iba ang nakikita ko sa′yong mata
huwag, paluluhain ka
bakit pag-ibig ang hatid mo sa tuwina?
[pre-chorus]
minsan pa′y paikutin habang hawak ang kamay
maglalayag sa ilalim, o ngiti mo ang gabay
ituring mong panaginip, walang kontekstong kasabay
alam ko lang sumapit ang hinihintay

[chorus]
hawak-hawak mo ang balikat ko
habang ang kamay ko’y nasa bayw-ng mo
sa ilalim ng mga bituwin
ay kinang ng iyong mata sa akin sinta, sinta

[verse 3]
para bang suntok sa buwan
kung bukas ′kaw pa rin ay nandiyan
pagkatapos ng gabi
tuluyan mo nang makakalimutan

[pre-chorus]
kaya naman susulitin bago muling mapag-isa
uulit-ulitin hanggang sa makabisa
mga salita’y iipunin at nang mahanap ang tugma′t
hindi mo namalayang tayo ang paksa

[chorus]
hawak-hawak mo ang balikat ko
habang ang kamay ko’y nasa bayw-ng mo
sa ilalim ng mga bituin
ay kinang ng iyong mata sa akin sinta, sinta
[bridge]
kamay sa balikat ko
haplos sa bayw-ng mo
atin lamang ang gabing ito
kamay sa balikat ko
haplos sa bayw-ng mo
atin lamang, atin lamang
atin lamang, atin lamang

[chorus]
hawak-hawak mo ang balikat ko
(mahal, iyong damhin ang lamig)
habang ang kamay ko′y nasa bayw-ng mo
(ng hanging ‘di na magbabalik)
sa ilalim ng mga bituin
(mahal, iyong damhin ang lamig)
ay kinang ng iyong mata sa akin
(ng hanging ‘di na magbabalik)

hawak-hawak mo ang balikat ko
(mahal, iyong damhin ang lamig)
habang ang kamay ko′y nasa bayw-ng mo
(ng hanging ′di na magbabalik)
sa ilalim ng mga bituin
(mahal, iyong damhin ang lamig)
ay kinang ng iyong mata sa akin
(ng hanging ‘di na magbabalik)
[outro]
sinta, sinta

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...