letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de paglipol - haze

Loading...

i
bilanggo sa tahanan, wala nang labasan
nakatanaw lang sa mata ng tirahan
pampalipas ang paghiga sa higaan
hanggang sa dilim ako ay naliwanagan

kaganapang nagpabago ng galawan
ibang umaga na ang nakahain sa agahan
lason na hangin ang paunlak ng kalikasan
kaya sila ay nagkubli upang matakasan

kanya-kanyang dasalan, hanap ng sandalan
nangangapa sa kawalan, walang katiyakan
ngunit ang ilan patuloy pa sa kasiyahan
dahil ang iba nakakulong sa alinlangan

nasaan na ang kapangyarihan ng simbahan?
baka mabisa lamang kapag pera ang usapan
sa panahon ng-yon katotohanan ang sandigan
walang rebulto ang magsasalba sa kamatayan!

chorus:
ang kabanata’y madilim, nakatakda ba’y malagim?
parating hamig ang sakim, kapag anihan ng pananim
minsan hindi makatikim, kung sino pa ang nagtanim
‘di na kayang maatim, ihanda ang patalim (x2)
ii

bumahin ang dragon at lahat ay sinumpong
pinatikom ang bibig ng mga nais magsumbong
itong amo ni digong, sa pwersa ay lulong
sino bang taya? edi tayo na tigong!

m-n-langin, mamanata, isamo na’t lahat
basahin na ninyo ang bawat kabanata sa aklat
mga hangal nakaasa sa bisa ng agimat
nasaan kayo ng-yon ba’t ‘di kayo masipat?

idilat ang mga mata nang dahil sa singkit
pilit na ngang ginigitgit pero wala pa ring imik
nasisindak na kapag karit at martilyo ang bitbit
natitiyak nilang walang “arit” kaya ginigipit

mas nakakatakot sa sakit kapag lahat duwag
gamitin niyo ang sung-y niyo para makasuwag
matapang lang sa kapatid ngunit walang bayag
sa katunggaling higante, hindi makapalag! ah!

chorus:
ang kabanata’y madilim, nakatakda ba’y malagim?
parating hamig ang sakim, kapag anihan ng pananim
minsan hindi makatikim, kung sino pa ang nagtanim
‘di na kayang maatim, ihanda ang patalim (x2)
bridge:

iii

sa pagtingin nya sa baba hindi makita ng mata
nagbibilugan ang tiyan na humaharang sa paa
lumalala ang katakawan, wasak na ang panga
nilapa ang mga usa ng hinayupak na sawa

nasaan na nga ba ang kristal na bola ni auring?
bakit hindi nila nalaman na ito ay darating?
naaaning, napapraning, bumabaha na ng daing
nakaabang na ang pating sa nakasabit na matsing!

lumang suliranin sa makabagong panahon
nagkataong alipin pa ang hari ng mga miron
nakabaon na sa mata ang mga pangil ng leon
walang mapapala ang pagtangis mo sa mga poon!

b-n-l na plano? kapalit nama’y milyong bangkay
b-n-l na aso ang nag-aabang habang naglalaway
sa lunas na walang bakas ng mahika o panggagaway
upang sa bathala nilang muli ang pagpupug-y!

chorus:
ang kabanata’y madilim, nakatakda ba’y malagim?
parating hamig ang sakim, kapag anihan ng pananim
minsan hindi makatikim, kung sino pa ang nagtanim
‘di na kayang maatim, ihanda ang patalim (x2)

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...