letra de munting hiling - hannah precillas
[verse 1]
walang kasing dakila
higit at pinagpala
kapag naririning mo ang hiling ng ‘yong kapwa
hindi ba’t mas mapalad pusong may pang-unawa
inalay mong lig-ya ay hindi mawawala
[chorus]
kung may pag-ibig ay may pag-asa
na ang dulot ay laging saya
ang pagtulong ay huwag ipagkait
pang-unawa ang ating ihatid
tayo ay laging magsama-sama
ang ialay natin ay saya
ang mundo’y tunay na kay ganda
kung may pagkakaisa
[verse 2]
ang bawat kahilingan kung mauunawaan
mawawala ang galit at tampo ng sinuman
bigyan mo ng pag-asa ang taong nagdurusa
na ang liwanag ay sumikat sa bawat isa
[chorus]
kung may pag-ibig ay may pag-asa
na ang dulot ay laging saya
ang pagtulong ay huwag ipagkait
pang-unawa ang ating ihatid
tayo ay laging magsama-sama
ang ialay natin ay saya
ang mundo’y tunay na kay ganda
kung may pagkakaisa
[bridge]
dapat nating buksan ang isip at damdamin
huwag nang ipagkait itong ating munting hiling sa ‘yo
[chorus]
kung may pag-ibig ay may pag-asa
na ang dulot ay laging saya
ang pagtulong ay huwag ipagkait
pang-unawa ang ating ihatid
tayo ay laging magsama-sama
ang ialay natin ay saya
ang mundo’y tunay na kay ganda
kung sa puso ay may pagkakaisa
letras aleatórias
- letra de i know everything - juke baritone
- letra de would you still love me if i was a pedophile? - mrgirl
- letra de whadaya want? - the robins (band)
- letra de the shape of asmr to come - sugar horse
- letra de məzəli mahnı (yox, yox) - mirzə babayev
- letra de осколки (shards) - бастард (rus) (bastard)
- letra de us never them - dyme-a-duzin
- letra de лайфстайл (lifestyle) - sovnite$moke
- letra de without mercy (jungle of dead christians) - evil darkness
- letra de skywalker - fani maty 33