letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de sirena (live) - gloc-9

Loading...

ito po ang…
sirena!

[chorus: ebe dancel]
ako’y isang sirena
kahit anong sabihin nila, ako ay ubod ng ganda
ako’y isang sirena
kahit anong gawin nila, bandera ko’y ‘di tutumba
drum na may tubig ang sinisisid
naglalakihang mga braso, sa’ki’y dumidikdik
drum na may tubig ang sinisisid
sa patagalan ng paghinga, sa’kin kayo ay bibilib

[verse 1: gloc-9]
simula pa nang bata pa ako
halata mo na kapag naglalaro
kaya parang lahat ay nalilito
magaling sa chinese garter at piko
mga labi ko’y pulang-pula
sa bubble gum na sinapa
palakad-lakad sa harapan ng salamin
sinasabi sa sarili, “ano’ng panama nila?”
habang k-mekembot ang bew-ng, mga hikaw na gumegew-ng
gamit ang pulbos na binili kay aling bebang
upang matakpan ang mga pasa sa mukha
na galing sa aking ama, tila ‘di natutuwa
sa t’wing ako’y nasisilayan, laging nalalatayan
paglipas ng panahon, ‘di ko namamalayan
imbes na tumigas, tila lalong lumambot
ang puso kong mapagmahal parang pilikmatang kulot
[chorus: ebe dancel]
ako’y isang sirena
kahit anong sabihin nila, ako ay ubod ng ganda
ako’y isang sirena
kahit anong gawin nila, bandera ko’y ‘di tutumba
drum na may tubig ang sinisisid
naglalakihang mga braso, sa’ki’y dumidikdik
drum na may tubig ang sinisisid
sa patagalan ng paghinga, sa’kin kayo ay bibilib

[verse 2: gloc-9]
hanggang sa naging binata na ako
teka muna mali, dalaga na pala ‘to
pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin
ano bang mga problema niyo?
dahil ba ang mga kilos ko’y iba
sa dapat makita ng inyong mata
sa tuwing nanonood ng liga, laging natutulala
kahit ‘di pumasok ang bola, ako’y tuw-ng-tuwa
kinalyo na sa tapang kasi gano’n na lamang
akong paluin ng tubo kahit kinakalaw-ng
“tama na naman, itay, ‘di na po ako pasaway
‘di ko na po isusuot lumang saya ni inay”
kapag ako’y naiiyak, sumusugod sa ambon
iniisip ko na lamang na baka ako’y ampon
araw-araw na lamang, walang humpay na banat
inaabot ng ganda kong pang-ilalim ng dagat
hoy!
[chorus: ebe dancel]
ako’y isang sirena
kahit anong sabihin nila, ako ay ubod ng ganda
ako’y isang sirena
kahit anong gawin nila bandera ko’y ‘di tutumba
drum na may tubig ang sinisisid
naglalakihang mga braso, sa’ki’y dumidikdik
drum na may tubig ang sinisisid
sa patagalan ng paghinga, sa’kin kayo ay bibilib

[verse 3: gloc-9]
lumipas ang mga taon, nangagsipag-asawa
aking mga kapatid, lahat sila’y sumama
nagpakalayo-layo, hindi makabisita
“kakain na po, itay, nakahanda na’ng lamesita”
akay-akay sa paglakad, paisa-isang hakbang
buto’t balat ang dating matipunong katawan
“kaya sa’yong kaarawan, susubukan kong palitan
lungkot na nadarama, ‘wag na po nating balikan”
kahit medyo naiinis ‘di dahil sa nagka-cancer
kasi dahil ang tagapag-alaga mo’y naka-duster
isang gabi, ako’y iyong tinawag, lumapit
ako sa’yong tabi ika’y tumangan, k-mapit
ka sa aking kamay kahit hirap magsalita
“anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa”
‘di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha
kung minsan mas lalaki pa sa lalaki ang bakla
[outro: ebe dancel]
drum na may tubig ang sinisisid
naglalakihang mga braso, sa’ki’y dumidikdik
drum na may tubig ang sinisisid
sa patagalan ng paghinga, sa’kin kayo ay bibilib
ako’y isang sirena
kahit anong gawin nila, bandera ko’y ‘di tutumba

ebe dancel, ladies and gentlemen

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...