letra de sino ka ngayon? - gloc-9
[intro (spoken)]
ayoko ng may naaapi
ang tunay na lalaki handang tumanggap ng pagkakamali
at may tapang na humarap sa diyos
[chorus: jkris]
kahit lumusong sa pinakamalalim na putik
mga naipon mong aral ang gamit na pang-ukit
sa tipak-tipak na burak at kalaw-ng na pabigat
tandaan mong ang lakas mo
ay kung sino ka ng-yon
[gloc-9, jkris]
nasa’n ang tamang daan
itinuturo ng nguso
nalalabing paraan
para sa naaabuso (kung sino ka ng-yon)
at napapag-iwanan
ng mararangal na tuso
sila ba ang syang babago
o kriminal na may puso (kung sino ka ng-yon)
simulan natin ang storya ng bata na taga-norte
sa iskwelahan isang mabuting estudyante
ang bawat hakbang ng mga paa’y paabante
kaso sa buhay ‘di pwedeng magpakakampante
[verse: gloc-9]
tinuruan ang sariling maging matigas
lahat ng bunga sa mga puno ay may tagapitas
kahit mababa ang edad
kung tumitig ay mataas
sa lumot ‘di nadudulas
nilakaran man ng dahas
tingin man sa kanya’y maton
ay umiiral din ang puso
ang asal ay patapon
tuwing merong inaabuso
naluklok sa posisyon
unti-unti syang natuto
ang lahat ng desisyon
ay para lagi sa tao
minahal ng marami do’n sa kanila
kahit na kanino mo ipagtanong alam nila
sige itanim ang binhi ng kwento palaguin
ang puno sa marilao na binansagang aning
[chorus: jkris]
kahit lumusong sa pinakamalalim na putik
mga naipon mong aral ang gamit na pang-ukit
sa tipak-tipak na burak at kalaw-ng na pabigat
tandaan mong ang lakas mo
ay kung sino ka ng-yon
[gloc-9, jkris]
nasa’n ang tamang daan
itinuturo ng nguso
nalalabing paraan
para sa naaabuso (kung sino ka ng-yon)
at napapag-iwanan
ng mararangal na tuso
sila ba ang syang babago
o kriminal na may puso (kung sino ka ng-yon)
nasa’n ang tamang daan
itinuturo ng nguso
nalalabing paraan
para sa naaabuso (ay kung sino ka ng-yon)
at napapag-iwanan
ng mararangal na tuso
sila ba ang syang babago
o kriminal na may puso
[verse: gloc-9]
lahat ng ihip ng hangin ay ayon sa kagustuhan
nabulag ang paningin sa kinang ng kadiliman
ang mali ay naging tama
ang tama ay mali
peke ang nakalantad habang tunay ang kinubli
ang kasinungalingan ay ang naging katotohanan
mga basag na salamin kanyang tinatapakan
natibo, nahiwa hanggang sya’y nasugatan
nang biglang lumipat ang pahina ng kapalaran
mga kamay na nakaposas
tinging mapangmata
kasama mo lang ay oras malayo sa kanila
mga malamig na rehas palagi kang mag-isa
mga mahal sa buhay makakasama pa ba sila
yan ang tanong ng isang tao na nakakulong
mga hinaing mo sa buhay ibinubulong
kahit na walang makarinig gaano man kalakas
natutong m-n-langin tumingala sa itaas
[chorus: jkris]
kahit lumusong sa pinakamalalim na putik
mga naipon mong aral ang gamit na pang-ukit
sa tipak-tipak na burak at kalaw-ng na pabigat
tandaan mong ang lakas mo
ay kung sino ka ng-yon
[gloc-9, jkris]
nasa’n ang tamang daan
itinuturo ng nguso
nalalabing paraan
para sa naaabuso (kung sino ka ng-yon)
at napapag-iwanan
ng mararangal na tuso
sila ba ang syang babago
o kriminal na may puso (kung sino ka ng-yon)
nasa’n ang tamang daan
itinuturo ng nguso
nalalabing paraan
para sa naaabuso (ay kung sino ka ng-yon)
at napapag-iwanan
ng mararangal na tuso
sila ba ang syang babago
o kriminal na may puso
nabago ng mga aral na hindi galing sa pisara
kahit nakakulong ay kinalagan ang kadena
ng galit at tapang nakipagsagupaan sa gyera
nanaig ang pakikipagkapwa tao’t pakisama
[verse: gloc-9]
pang-unawa at pagmamahal
yan lang ang magtatagal
walang tanong na hindi mo kayang sagutin sa dasal
manipis o makapal
tawagin man nilang hangal
nangangarap pa rin na makapamuhay ng marangal
kahit ga’no katapang o ga’no man kabagsik
nababaliko ang bakal yumuyuko sa halik
ng pamilya at mga anak, ngiti na malagkit
walang kasing tamis doon ako lagi bumabalik
nabigyan ng pagkakataong lumaya
lahat ng bitbitin na mabigat ay kanya nang pinaubaya
dahil ang tapang ay di nakikita kung sinong may kayang
k-malabit ng gatilyo
bagkos ay ang magparaya
[chorus: jkris]
kahit lumusong sa pinakamalalim na putik
mga naipon mong aral ang gamit na pang-ukit
sa tipak-tipak na burak at kalaw-ng na pabigat
tandaan mong ang lakas mo
ay kung sino ka ng-yon
[gloc-9, jkris]
nasa’n ang tamang daan
itinuturo ng nguso
nalalabing paraan
para sa naaabuso (kung sino ka ng-yon)
at napapag-iwanan
ng mararangal na tuso
sila ba ang syang babago
o kriminal na may puso (kung sino ka ng-yon)
nasa’n ang tamang daan
itinuturo ng nguso
nalalabing paraan
para sa naaabuso (kung sino ka ng-yon)
at napapag-iwanan
ng mararangal na tuso
sila ba ang syang babago
o kriminal na may puso (kung sino ka ng-yon)
[outro (spoken)]
diyos lang ang sandalan
hindi ka na mamali
hindi ka mapapahamak
wala kang katatakutan basta’t
diyos ang kasama mo
letras aleatórias
- letra de originale (feat. biggie bk, genre & trizzle) - fourth
- letra de gangster - yuvan shankar raja,stefny
- letra de the runner - airling
- letra de black sexual blasphemy - idolater
- letra de vintage - alex orellana & j. higgz
- letra de adeline - fever dolls
- letra de high - sahtyre
- letra de ich will raus mit dir - vega
- letra de mikkihiiri merihädässä - club for five
- letra de tha trybe anthem - o'hene savant