letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de sanib - gloc-9

Loading...

[chorus: loir]
sanib ‘yan ang tawag
daming humahawak
dahil sa naranasan ko
nasan ang albularyo?

malalim na ang lamat
na bumabagabag
sana’y mapatawad mo
pakisabi kay rosario

[verse: gloc-9]
isang umaga may tumawag
kakaligpit ko lamang ng nilatag
hinigaan ko nung gabi
hinihingal at ‘di niya maipaliwanag
basta sumama daw ako
ito’y para sa babae niyang apo
nakatulala sa kusina sa may kalan
tapos ay k-makain ng abo

umiiyak nakangiti
kahit puro pasa ang kanyang mga binti
may nakabakas na kamay, nang hinimatay
‘di na ‘ko nag-atubili
nagbihis ng telang mahaba
kung minsan ay may disenyong magara
isinuot ang kwintas na bawal mapigtas at
maging mali palaging tama
tubig sa boteng malumot
parang karayom malalim tumusok
nang dumampi sa balat siya’y napaso
agad umaangat ang itim na usok
libro ng mga libro
sagot sa lahat ng mga tanong mo
kinakabahan na pumasok matapos akong tawagin
pero kaya ko ‘to

malamig pero pinapawisan
ako na siyang dapat na pamarisan
sa lahat ay kaibigan
at pwedeng sabihan ng lihim na iniingatan
nasa harapan ng pinto
sige kayo na po ang bahala
siya ay nakatali ‘pag pasok ko napahinto
hindi nakakibo dahil sa kaniyang mga sinabi…

[chorus: loir]
sanib ‘yan ang tawag
daming humahawak
dahil sa naranasan ko
nasan ang albularyo?

malalim na ang lamat
na bumabagabag
sana’y mapatawad mo
pakisabi kay rosario
[verse: gloc-9]
k-musta ka na
padre sanchez?
buti napadaan ka ano
sige tuloy
ingat lang baka madulas ka sa mga suka ko
mala k-munoy
alam mo na siguro kung bakit ako naparito
kung ‘di pa rin ay
di makahintay sige
iisa-isahin ko sa’yo

ganda naman ng relo mo ah
alam kong marami ka pang iba
sa dami ng nakokolekta nyo kada linggo
sige sa’n mo dinadala?
meron ka daw bagong kotse?
dala-dalawa hindi lang isa
mga malalawak na lote
ang bahay niyo biglang nag-iba

baka naman nagsumikap
kaya nagkalaman
ang mga mahihirap
kanyang mahandugan
tanso ginto at pilak
laging k-mikinang
sugat na humihilab
pilit tinatakpan
dami nang kwento na
sakin ay laging dumarating
bakit nag-iiba
pag ika’y
nakatago sa dilim
ang pinapakita mo sa ilan na ikaw ay palihim
nasubukan mo na bang magdasal sa harap ng salamin?

[chorus: loir]
sanib ‘yan ang tawag
daming humahawak
dahil sa naranasan ko
nasan ang albularyo?

malalim na ang lamat
na bumabagabag
sana’y mapatawad mo
pakisabi kay rosario

[verse: gloc-9]
para akong binuhusan ng tubig sa pawis
sa bawat pader napahagis
galos sa mukha napalabis
aking nais
na magawa’y naabot din
tulog na siya sige pagpahingahin
nang ako’y tumalikod
halos natisod nang madinig ang hinaing

teka muna di pa tayo tapos
simula pa lamang ng pagtutuos
kahit ika’y humilagpos
sana’y sumunod ka din sa mga utos ng diyos
‘di ka na naawa sa akin
tahimik na nan-n-langin
hindi ko sukat akalain
nung araw na yun
ako’y nakapain

nagkapasa sa mga hawak mo
kasing itim ng binabalak mo
natatandaan mo pa ba ako?
rosario nga pala ang syang pangalan ko
hwag kang umasta na nalilito
ikaw ang may kagagawan nito
matagal ko nang inisip
inasam hinintay ang
pagkakataong ito

nakakandado nang lahat ng pinto
malakas na hangin di humihinto
hindi ka makakakibo
‘pag sa sarili mong dugo
ikaw ay paligo
ng-yon ako ang siyang magbibig-y
ng sermon dahil iyong tinang-y
ang aking dangal kaya di nagtagal
may batang babaeng nagpakamatay

[chorus; loir]
sanib ‘yan ang tawag
daming humahawak
dahil sa naranasan ko
nasan ang albularyo?

malalim na ang lamat
na bumabagabag
sana’y mapatawad mo
pakisabi kay rosario

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...