letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de industriya - gloc-9

Loading...

mga pangarap na hinahanap ay abo’t kamay mo na
pera’t alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
pero mag-ingat sa pag-sikat ng mga hinahangad
nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad
do’n sa’min (sumama ka sa’min)
do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
do’n sa’min (makinig ka sa’min)
do’n sa’min
sisikat ka
do’n sa’min (sumama ka sa’min)
do’n sa’min (malapit ka sa’min)
do’n sa’min (makinig ka sa’min)
yayaman ka
do’n sa’min (sumama ka sa’min)
do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
do’n sa’min (makinig ka sa’min)
pakinggan mo (dahil dahil)
ang mga kwento ng industriya

pare tignan mo sisikat din ako (di nga?)

ito ay ang mga kaganapan sa buhay
ng isang tao sa mundo na iba’t iba ang kulay
ilaw na patay-sindi kahit na hindi gabi
malalakas na tugtugin na nakakabingi

pero ito ang dinasal ito ang hinagilap
kapalit ng pag-aaral kahit tila mahirap
habulin, hulihin, lunurin, baguhin ang sarili
matulin -tuling bunutin pag natibo ka ng bote

sa paa dapat lagi kang nakatapak sa lupa
kahit na alam mong ang puhunan mo’y dugo at luha
meron kang dala-dalang ‘di alam ng iba
lamunin man ng kaba in-ensayo mo na

at hinding-hindi ka papayag na ‘di mo maabot
kahit ulitin pa’ng iyong layag laot na mahamog
madilim at malayo maalon na daan
kahit na ano pa ‘yan ay kanyang lalampasan

chorus:
mga pangarap na hinahanap ay abo’t kamay mo na
pera’t alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
pero mag-ingat sa pag-sikat ng mga hinahangad
nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad
do’n sa’min (sumama ka sa’min)
do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
do’n sa’min (makinig ka sa’min)
do’n sa’min
sisikat ka
do’n sa’min (sumama ka sa’min)
do’n sa’min (malapit ka sa’min)
do’n sa’min (makinig ka sa’min)
yayaman ka
do’n sa’min (sumama ka sa’min)
do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
do’n sa’min (makinig ka sa’min)
pakinggan mo (dahil dahil)
ang mga kwento ng industriya

oy si idol! (mayabang naman yan e)

liwanag na nakakasilaw (silaw) di mula sa araw (araw)
palakpakan at pangalan mo ang nangingibabaw (baw)
sigawan ng mga tao kahit saan magpunta
ikaw lang ang gusto nila at wala ng iba

kahit ano iyong gawin ay kanilang bibilhin
makita lang ang kinang ng iyong bituwin
sa bilis ng pangyayari hindo mo namalayan
bagong bahay, lote, kotse lupa’t kayamanan

ang nasa iyong kamay na gustong kamayan
ng lahat kaibigan na hindi mo na bilang
palaging naka-akbay gusto kang sabayan
sa daan papayongan ka kapag umuulan

ika’y na-wili at tila ba nalasing ka sa lahat
ng mali kasi alam mo na ikaw lang ang sikat
sa layo ng narating di mo nakita ang hinanap
sa dami ng ‘yong hawak naging bangungot ang

chorus:
mga pangarap na hinahanap ay abo’t kamay mo na
pera’t alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
pero mag-ingat sa pag-sikat ng mga hinahangad
nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad
do’n sa’min (sumama ka sa’min)
do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
do’n sa’min (makinig ka sa’min)
do’n sa’min
sisikat ka
do’n sa’min (sumama ka sa’min)
do’n sa’min (malapit ka sa’min)
do’n sa’min (makinig ka sa’min)
yayaman ka
do’n sa’min (sumama ka sa’min)
do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
do’n sa’min (makinig ka sa’min)
pakinggan mo (dahil, dahil)
ang mga kwento ng industriya

uy kilala mo ba yun(oo laos na yan eh)

panahon ay dumaan naging pangilan-ilan
ang pagsampa ng entablado nakalimutan
ang mag awit na inawit malalakas na hiyaw
bakanteng upunan ang nakikinig lang ay ikaw

sa isang iglap tila wala ng nakakakilala
di mo matanggap kasi wala ng nakaka-alala
dumating ang tag-tuyot ng walang kamalay-malay
malungkot dahil hindi ka nagtatabi ng palay

no’ng sagana sa lahat madami kang kaibigan
na akala mo ay hinding-hindi ka tatalikuran
iyong napag-alaman ng ika’y mapag-iwanan
matapos ang lahat ikaw ang pinagtatawanan

dahil na-wili at tila ba nalasing ka sa lahat
ng mali ng-yon alam mo na hindi ka na sikat
ang layo ng narating di mo nakita ang hinanap
humawak ka dahil pwede pang mabawi ang

chorus:
mga pangarap na hinahanap ay abo’t kamay mo na
pera’t alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa
pero mag-ingat sa pag-sikat ng mga hinahangad
nakakaduling kung matulin o matayog ang lipad
do’n sa’min (sumama ka sa’min)
do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
do’n sa’min (makinig ka sa’min)
do’n sa’min
sisikat ka
do’n sa’min (sumama ka sa’min)
do’n sa’min (malapit ka sa’min)
do’n sa’min (makinig ka sa’min)
yayaman ka
do’n sa’min (sumama ka sa’min)
do’n sa’min (lumapit ka sa’min)
do’n sa’min (makinig ka sa’min)
pakinggan mo (dahil, dahil)
ang mga kwento ng industriya

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...