letra de dungaw - gloc-9
kahit pumikit
kitang kita sa bintanang maliit
maalat na tubig
pinupunasan ng panyong punit punit
kahit tahimik bakit tila di ako naririnig
kamang masikip
ang mag hahatid sayo hanggang langit
silayan kahit sa huli
anong okasyon?
bakit ang dami kong dalaw?
meron pang rasyon biskuwit at kapeng umaapaw
kaibigang ng-yon ko nalang nakaulayaw
ng ilang taon
parang espesyal na araw
hoy pare bakit ka napadaan? huwag mong sabihin na mangungutang ka nanaman
bat di mo subukan na gumawa ng paraan nang mabayaran mo yung nakuha mo nung nakaraan?
di bale na para sa inaanak ko nalang pero tol baka puwedeng maawa ka naman
tama nang batak humatak kaya palaging may sapak kailan mo kaya lubusang maiintindihan?
alak sugal bato batopik
lumang baraha talunan sa tongits
taguan sa parak tatakpan ka ng komiks
tanong mo sa sarili mo pano ba toits
wala kang mapapala maniwala ka samin
dito ay hindi nag babago ang ihip ng hangin
kung walang makasama pilitin mong kausapin
alam naman natin na puwede kang mag-ya sa akin
anong okasyon?
bakit ang dami kong dalaw?
meron pang rasyon
biskuwit at kapeng umaapaw
pamilyang ng-yon ko nalang nakaulayaw
aking propesyon
lahat ng oras ko’y ninakaw
aking asawa’t mga anak
lakas ko na syang nag tutulak
upang kayanin ko ang lahat
hanggang ako’y di na mamulat
aking asawa’t mga anak
patawad kung kayo’y nasadlak
sa ganitong buhay
nga pala may pera dyan na naka padlock
kahit pumukit
kitang kita sa bintanang maliit
maalat na tubig
pinupunasan ng panyong punit punit
kahit tahimik bakit tila di ako naririnig
kamang masikip
ang mag hahatid sayo hanggang langit
silayan kahit sa huli
anong okasyon?
bakit ang dami kong dalaw?
meron pang rasyon
biskuwit at kapeng umaapaw
bakit po ng-yon ko lang kayo nakaulayaw?
habang panahon marami lang gustong malinaw
huwag nyo po sanang masamain
kung ano man itong bag-y na aking gagawin
hindi naman po galit ang mga nakatanim
kundi mga hinaing na binubulong ng palihim
alam ko po na malabo akong makarating
sa bahay nyong malayo pa sa mga bituwin
isa lamang po naman ang tangi kong hiling
lahat ng aking mga katanungan inyong sagutin
bakit may mga sakit na hindi malunasan?
luha ng mga bata na hindi mapunasan
mga may kasalanan na hindi maposasan
dungis sa kababaihan na di mahugasan
bakit may gutom sa hirap ay lubog?
habang ang iba’y parang hindi nabubusog
siguro ay hindi na kayo mapagkatulog
sa tunog kapag sabay sabay kaming dumudulog
bakit may limos ano ba ang big-y?
bakit may anak na nauunang mamatay?
sa mga magulang para ilibing
lungkot na wala yatang dapat makatikim
mga aral na tinuturo at nag mula sa
mga salitang sinulat nyo daw at pinasa
sa mga tao na nag uutos ng kabutihan
pero bakit may mas mabuti pa na di nakabasa
sila pong mga naiwan sa tahanan nyo
di naman dinidiligan ang halaman nyo
gamit ang perang nahakot sa pangalan nyo
sinasabi ko lamang para malaman nyo…
letras aleatórias
- letra de ofendido - jhon alex castaño
- letra de hold light - lemolo
- letra de real ones - marion write
- letra de the best crew - tep no
- letra de roots - lucie silvas
- letra de beggar's dance - jinjer
- letra de borderline - puzzle
- letra de ave maria - christina marie burke
- letra de calling from the wild - tarja
- letra de another suitcase in another hall [evita] - various artists