letra de bayad ko - gloc-9
mama’ para’ dyan na lamang po ako sa may tabi,
bababa na po ako eto po ang bayad ko [2x]
si mang berto na sumakay sa may kanto,
at’eto na ang simula ng mga kwento,
may kaisa isang anak na babae ngalan ay luisa isang estudyante,
ang pag-aaral iginagapang upang kahirapan ay matakasan,
isang gabi ng marso bandang alas otso maagang umuwi ng bahay si mang berto,
may dalang supot ng pansit at mamon maligaya kahit sa bihirang pagkakataon,
bukas ay magtatapos na sa kursong kinuha ang kanyang pinakamamahal na si luisa,
dapat sana’y meron na silang patutunguhan ngunit sadya bang may sumpa itong ating lipunan dahil natagpuang patay sa ilalim ng tulay pangarap ni luisa inanod lang na kasabay.
mama’ para’ dyan na lamang po ako sa may tabi,
bababa na po ako eto po ang bayad ko [2x]
pagdaan sa may quezon avenue sumakay naman si ate marilou,
bente kwatro anyos walang natapos ang anak ay nasa icu,
pag patak ng alas onse naka-kolorete siya’y nasa tabi at pumapara ng kotse,
kahit dos bente kanyang papatulan pambili ng gamot para malunasan kahit isang araw lang buhay ng kanyang anak ay madugtungan,
bukas ng gabi naman may ilang buwan na ring kanyang ginagawa walang matagpuan walang syang magawa,
bakas sa mukha lahat ng pait ngunit sanggol nya’y walang kapalit kahit alam nyang siya’y nahawa ng sakit para sa kanyang anak gagawin ng papikit.
mama’ para’ dyan na lamang po ako sa may tabi,
bababa na po ako eto po ang bayad ko [2x]
may isang batang nakasabit sa istribo, anim na taon ang pangalan ay benito,
maghapon magdamag syang nagtratrabaho punas ng sapatos at bote’t dyaryo para may makain ang tatlong kapatid, lima, apat,
dalaw-ng taon at isang batang paslit pa lamang ay nakaatang na kanyang balikat,
responsibilidad iniwan ng ama’y nalipat ng ipinasok sa kulungan ang ina sila’y iniwan,
sinubukan nyang pigilan ngunit siya’y pinagtulakan hanggang sa nagkasakit ang bunsong kapatid at sa isang kariton ang hininga’y napatid ngayon ay di nabatid kung ano ang syang hatid ang bukas para kay benito na tila parang manhid na sa hapdi dulo’t ng mga pangyayari sumisinghot ng rugby b-maba sa may malate.
mama’ para’ dyan na lamang po ako sa may tabi,
bababa na po ako eto po ang bayad ko [2x]
kahit na ano mang hirap ang sa ati’y dumating
tumawag lang kay mamang driver tayo’y makakarating [2x]
mama… para [3x]
tayo’y makakarating [2x]
letras aleatórias
- letra de lifeline - josh jacobson
- letra de tu siempre seras mi amor - juan gabriel
- letra de bruit de couloir - laylow
- letra de you and your commie friends (remix by unwoman) - see colin slash
- letra de geek chic - tua
- letra de my opinion - dexter
- letra de the show - vazquez sounds
- letra de si va a ser... sera - axel
- letra de mr. flamboyant - the click
- letra de closer (morgan page talk is cheap remix) - tegan and sara