letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de ang panday - gloc-9, ebe dancel

Loading...

ang natatagong mong lakas ay huhubugin ng panahon
hanggang sa iyong maisigaw ng malakas ang tugon
at magsisilbing liwanag sa pagsapit ng dilim
‘pag natutunan mong hawakan ang talim

‘wag talikuran kung anong nakatakda sayo
ang kabiguan ay ang daan ng lakas upang malaman mo
at mahawakan ‘pag ika’y pinili ng espadang may taglay
ano man ang humadlang laban lang
narito na ang panday

dito sa tondo palaging merong gulo
bawal ang mga lampa dapat matibay ang buto
dahil kinakaya-kaya lamang ang mga mahihina
kapit sa patalim bahala na kahit mahiwa
agawan nang agawan unahan nang unahan
naliligaw bakit wala kang mapagtanungan
sa daan na ilan lamang ang nakakaalam
at ang malalakas lamang ang nakakalamang
kaya si flavio ay napilitan na maging matigas
‘pag dumiskarte mahirap mahuli napakadulas
kasama ng mga tropa lahat ay palaban
merong kanya-kanyang toka, giba kahit ilan
ang bumangga ito ba ang buhay na tatahakin
ng isang batang kalyeng hindi mo sukat-akalain
pagkatapos ng lahat ang susunod ay ikaw
ang syang napiling tagapagmana ng balaraw
‘wag talikuran kung anong nakatakda sayo
ang kabiguan ay ang daan ng lakas upang malaman mo
at mahawakan ‘pag ika’y pinili ng espadang may taglay
ano man ang humadlang laban lang
narito na ang panday

dumating na ang kinatatakutan ng marami
pangalan na kahit pabulong ay hindi mo masabi
lagim na kanyang hatid at kampon na napakarami
mundo na binalot ng dilim ay kailangang mabawi
ng nag-iisa at syang nagtataglay ng dugo
wala nang iba kailangang hawakan ng buo
ang lakas ng loob at tapang ng panday
ipinagkaloob sa kanyang mga kamay
na hinubog sa apoy ng buhay tumibay sa sugat
walang uurungang laban kapag kanyang binuhat
ang espada na tanging makakatalo kay lizardo
at sa dulo ng laban kabutihan ang man-n-lo
dahil ito ang piniling buhay na tatahakin
ng isang batang kalyeng hindi mo sukat-akalain
pagkatapos ng lahat ang susunod ay ikaw
ang syang napiling tagapagmana ng balaraw

‘wag talikuran kung anong nakatakda sayo
ang kabiguan ay ang daan ng lakas upang malaman mo
at mahawakan ‘pag ika’y pinili ng espadang may taglay
ano man ang humadlang laban lang
narito na ang panday
ating tagapagligtas ang panday
‘di padadaig ang panday
ang pagbabalik ng panday ng panday ng panday ng panday ng panday
ang natatago mong lakas ay huhubugin ng panahon
hanggang sa iyong maisigaw ng malakas ang tugon
at magsisilbing liwanag sa pagsapit ng dilim
‘pag natutunan mong hawakan ang talim
dahil ang tatatago mong lakas ay huhubugin ng panahon
hanggang sa iyong maisigaw ng malakas ang tugon
at magsisilbing liwanag sa pagsapit ng dilim
‘pag natutunan mong hawakan ang talim

narito na ang panday
ating tagapagligtas ang panday
di padadaig ang panday
ang pag babalik ng panday ng panday ng panday ng panday ng panday
ang pag babalik ng panday ng panday ng panday ng panday ng panday
‘di padadaig ang panday ang panday ang panday ang panday ang panday
narito na ang panday

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...