letra de mahal ko siya - geraldine (phl)
[verse 1]
ika’y bago pa lang at ‘di mo alam
siya’y mapaghanap ng pagkalinga’t pagmamahal
mapanibughuin, labis na matampuhin
ngunit kung siya’y sadyang mahal mo, sana’y suyuin
[verse 2]
kung nasa labas siya, huwag mag-alala
sapagkat hindi mo mabibilang ang kaibigan niya
at sa pagdating niya, bagkus ipaghain pa
at pagsanayan mo ang pag-uwi niya ng umaga na
[chorus]
kahit masakit ito sa ‘kin, kapwa siya mahal sa ‘tin
kaya’t sana’y marapatin ang bigyan ka ng paalaala
langit kung siya’y lumig-ya, sa piling man ng iba
[verse 3]
kung nangyari man ika’y kanyang iwan
at may iba nang bago niyang nakakahumalingan
ikaw ma’y naapi, sa ‘kin ka maghiganti
‘di ko matitiis siyang masaktan
mahal ko siyang labis kasi
[chorus]
kahit masakit ito sa ‘kin, kapwa siya mahal sa ‘tin
kaya’t sana’y marapatin ang bigyan ka ng paalaala
langit kung siya’y lumig-ya, sa piling man ng iba
[verse 3]
kung nangyari man ika’y kanyang iwan
at may iba nang bago niyang nakakahumalingan
ikaw ma’y naapi, sa ‘kin ka maghiganti
‘di ko matitiis siyang masaktan
mahal ko siyang labis kasi
letras aleatórias
- letra de ненавижу шоу-бизнес - ssaucess
- letra de blood stain - tzunahmie
- letra de johnny depp - suleeking nazlim
- letra de one hundred miles - a.d-one (에이디원) (kor)
- letra de грязь (dirt) - джино (djino)
- letra de lite work - cg prince
- letra de rené's bed - voko, ara
- letra de riya.mp3 - fuckkkkkwrld!++
- letra de 5 to the 5th power - up up girls (仮)
- letra de gato - j balvin & bad gyal