letra de dadalangin sa'yo - gerald santos
[verse 1]
napakabigat ng big-y mong pagsubok
kay tindi, hapding dulot sa ‘king puso
heto nga kaya’y nasa pahintulot mo?
tanong ng isip ko, patawarin mo ako
[verse 2]
lihim silang naghihintay na ako’y malugmok
hindi na makabangon, tuluyan nang magupo
sino raw ako para kahabagan ng husto?
nagpapanggap na anak, ‘di naman daw totoo
[chorus]
dadalangin sa ‘yo, dadalangin sa ‘yo
sa gitna nitong bagyo, dadalangin ako sa ‘yo (o, panginoon)
hindi ko man batid kung ano ang iyong plano
ipaalam na lamang sa panahong takda mo (panahong takda mo)
[verse 3]
hindi maglalaon at giginhawa na ako
ang hapding ito, mawawala, maglalaho
muling mapatutunayan kung sino ang diyos ko
kung ano siya’t kung bakit siya ay mahal ko (dadalangin sa iyo, dadalangin sa iyo)
[chorus]
dadalangin sa ‘yo, dadalangin sa ‘yo
sa gitna nitong bagyo, dadalangin ako sa ‘yo (dadalangin sa iyo)
hindi ko man batid kung ano ang iyong plano
ipaalam na lamang sa panahong takda mo (sa panahong takda mo)
panginoon
dadalangin sa ‘yo (sa iyo), dadalangin sa ‘yo, woah (dadalangin)
sa gitna nitong bagyo, dadalangin ako sa ‘yo (sa ‘yo)
hindi ko man batid kung ano ang iyong plano
ipaalam sa panahon
letras aleatórias
- letra de vudu - pala music
- letra de lightweight - freeweights
- letra de thisisnot - sei siren
- letra de cuando llegaste - peewee (mx)
- letra de natok - asif akbar
- letra de expert advice - shopping
- letra de búscame en tu corazón - six pack
- letra de всё в порядке (aaight) - chill deal
- letra de šisakke - yzomandias
- letra de your life away - post animal