letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de don angelo - geo ong

Loading...

elementarya pa lamang ako, madalas na makantyawan
‘pagkat isa ako sa mga walang-wala sa paaralan
pumapasok nang walang kain, may bitbit pang mga pasanin

habang suot uniporme kong dalaw-ng araw nang labahin
walong taon pa lang ang edad, ‘yan ang taglay kong abilidad
mga kaklase patungong klase, ano paraan? hinatid ni dad
habang ako, ayon naglalakad, sinusuong kahit anong kalamidad
sinasambit ang lagi kong dasal kay god, “ako din po, sana bigyan”
“panginoon, bakit gano’n? mula noon hanggang ng-yon
kahit magsikap, bakit sa hirap pa rin ako laging baon?”
‘yan ang aking laging tanong, kaya lumaban, hindi nagpatalo
desperado, ‘di lang ganado ‘pagkat nalaman kong galing ka do’n
magka-ama, ‘yan ang pangarap kong madama
ang alaala ko na lang sa kanya, pangalan ko na dala (ko na dala)
pero ni minsan, ‘di ko naisip na magpatalo sa pagkalumbay
salamat, panginoon, sa lakas na loob para abutin ang tagumpay
alam mo ba ang isang dahilan kung ba’t mga mata natin nasa harapan?
para hindi na natin balik-balikan, mga pangit na nangyari sa nakaraan
abante, baliwalain ang mga paninira ng iba, ng-yon lang ‘yan
‘pag naabot mo na, proud din ‘yang mga ‘yan makilala ka nila, ‘di ba?
gawin mo lang tama mga gusto mong gawin
madilim nga lang kung kakatanim lang, tol, tutubo ka rin
lahat ay nagdaan sa hagdan para ang pangarap makamtan
madalas nasa daan ang hadlang dapat laparan ang hakbang
‘di mapapasayo ang buong premyo kung aasa lagi sa iba
kakarampot lang na balato ang makukuha mo lang sa kanila
‘wag mong hayaang may masayang ka na pagkakataon
kung anong pangarap mo noon dapat ‘andyan ka na ng-yon
dating araw na lubog, ng-yon umahon at sumikat
dating maghapon tulog, ng-yon bumangon at dumilat
nilisan panandalian ang aking pinanggalingan
malayo ka sa pamilya, masakit na tanggapin ‘yan
pero ayos lang, kay sa wala kong mapala
‘di na sa ‘kin bago madapa kahit ga’no kalala
‘pag dating ko nakatingin lahat, “uy, bago sa mata”
rapper din po ako, mga sir, ‘di lang ga’nong halata
lalamunang namamaga na lalo pang lumalala
hangga’t walang napapala, malabo ‘to na madala
dibdib na nadadaga, pinasindak ng babala
hilahin man nang pababa, tuloy pa rin ang pagdada
‘di naman liligaw kahit gaano pa karaming pagdaanan
ako’y handa, buong loob, sinuman ang aking makalaban
minsan na ring nalito, lumiko ang landas
mas lalo lang akong nadapa nang lumingon pa sa pass
kaya ng-yon, lahat ng mali ko, natuto na ‘ko
salamat, karanasan, sa wakas natuto na ‘ko
sa buhay mas masakit, malala, mas mahirap na karanasan
‘pag nasanay ka, sa susunod madali na lang ‘yan lampasan
kalimutan mo lahat ng k-malimot sa ‘yo
‘pag kilala ka na, lalapit sila, “sino ka, bro?”
mga masama’t malala’t mga mabuting karanasan mo
ang huhulma sa ‘yo kung sino ka ng-yong araw na ‘to
para mabuhay lang ako pinapatos na lahat
walang pakialam maski pinapaltos na balat
mararating mo rin geo, ‘wag ka lang masyadong atat
‘yan ang sabi sakin ng diyos na pinaka-boss sa lahat

mararating mo rin geo, ‘wag ka lang masyadong atat
‘yan ang sabi sa ‘kin ng diyos na pinaka-boss sa lahat

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...