letra de hindi ka papanaw - gary valenciano
[verse 1]
mga puno ay nabubuhay ng daang taon
ang ilog ay habambuhay na dumadaloy
mga batang minahal mo, nakatanaw sa bukas
ngunit ikaw ay wala na
isang dahong nalagas
[verse 2]
ang akala ko kailan ma’y hindi ka papanaw
akala ko ang ‘yong sigla’y walang katapusan
katulad ng isang bukal, ‘di natutuyuan
katulad sa langit na walang hangganan
[chorus]
hindi ka papanaw, hindi ka umaayaw
hangga’t mga bituin ay hindi nabibilang
tulad sa araw na hawak mo sa’yong kamay
alab mo’y hindi mapapawi
hindi ka papanaw
[verse 3]
pinakita mo sa akin ang sarili kong kinang
anuman ang pangarapin ay kaya kong gawin
magmahal at mangarap nang malaki at malawak
dahil ang sabi mo kaya nating lumipad
[chorus]
hindi ka papanaw, hindi ka umaayaw
hangga’t mga bituin ay hindi nabibilang
at tulad sa araw na hawak mo sa’yong kamay
alab mo’y hindi mapapawi
hindi ka papanaw
[bridge]
ang pamana mong ito’y hindi maglalaho
na ang lahat sa buhay ay pagbibigay
at pagbubukas ng puso
[chorus]
hindi ka papanaw, hindi ka umaayaw
hangga’t mga bituin ay hindi nabibilang
at tulad sa araw na hawak mo sa’yong kamay
alab mo’y hindi mapapawi
‘di ka malilimutan
pamana mo’y iingatan
hindi ka papanaw
[outro]
hindi ka papanaw
letras aleatórias
- letra de san vou - réejo
- letra de recuerdos - yextiel
- letra de tá tudo bem? - fernanda porto
- letra de lemon head - lil yachty
- letra de once a nice guy always a nice guy - ashido brown
- letra de road - dende
- letra de all the things about school - rivansa ariq
- letra de savor - hardly
- letra de quarantine freestyle - bizzy banks
- letra de teepee - sara dufour