letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de saranggola sa ulan - gary granada

Loading...

naririnig ko pa ang tawa’t hagikgik
ng una kong sinta at kalarong paslit
at ang sabi ng matatanda
siya ay maalwan, ako’y dukha
di raw kami bagay at kayraming dahilan
ngunit si bakekay ay walang pakialam
sa aming kamusmusan kayraming palaisipan
ngunit tatlong bagay ang aking natutunan

ang pag-asa’y walang hanggan
pag-ibig ay walang hadlang
at lilipad ang saranggola sa ulan.

at kung ang pagsinta ay di man nagtagal
ang mas mahalaga natutong magmahal
umibig na walang panghihinayang
kahit malamang na masaktan

kanina lang, sa aking tabi’y may aleng lumiko
at sa pagmamadali, nasagi ang aking puso
eto na naman ako sa aking kabaliwan
na sinasabi nga nilang suntok sa buwan
ngunit hindi hihindian ng tulad kong natuto nang
magpalipad ng saranggola sa ulan

gaya ng lagi’t laging sinasabi ko
o siya nawa ay siya na nga ang totoo.

eto na naman ako sa aking kabaliwan
na sinasabi nga nilang suntok sa buwan
ngunit hindi hihindian
ng tulad kong natuto nang
magpalipad ng saranggola sa ulan

heto ako, tumatandang
nakahandang panindigang
ang bato sa tubig ay lulutang
at lilipad ang saranggola sa ulan

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...