letra de pedrong pako - gary granada
si pedro’y nakaapak ng pako sa lansangan
pinulot niya’t bakasakaling pakinabangan
at ang kinakalaw-ng na pakong nabubulok
sa bago niyang bahay ay duon ipinukpok
isang kalbong gulong nakita niya sa kalsada
kanyang isinuong sa jeepney niyang pampasada
duo’y may nakaiwan ng lumang antipara
kanyang isinuot sa malinaw niyang mata
bagong bahay, lumang pako
dating gimik na inibang-anyo
bagong bote, lumang toyo
ang laging sawsawan ni pedro
gulong ay umiskyerda at ang jeep ay nabangga
dahil sa antipara ang poste di nakita
pasahero’y huli na sa biyahe’t nabukulan
di pa nakarating sa dapat na puntahan
si pedro’y may kilalang kawatang pulitiko
sa bawat halalan ay laging kandidato
nabulag na si pedro, napako pa ang tuktok
pulitikong bulok sa pwesto iniluklok
bagong bahay, lumang pako…
nang dahil sa pako bahay ni pedro’y b-magsak
sa bulkan, bagyo, baha’t lindol tuluyang nawarak
giba na ang dingding, sahig, haligi’t bubungan
mabuti pa kaya, magbagongbahay na lang
letras aleatórias
- letra de one for my baby (and one more for the road) - marvin gaye
- letra de gospel of the throttle - minutes til midnight
- letra de 66'fucking'6 - onslaught
- letra de wow (week of welcome) - shelem
- letra de семерка (semerka) - ноггано (noggano)
- letra de world cup song - joe weller
- letra de vs. klaus bukkake - [rr finale - vbt 2012] - esta (de)
- letra de a mulher do cacilheiro - capicua
- letra de valentine's day is over - sryan
- letra de ...,dass du bleibst - luxuslärm