letra de panimulang oda - frostedglasses
hindi na matandaan
ang buhay bago mo matagpuan
kay bilis nakaligtaan
kung pa’no hinaharap ang umaga nang
wala ang ’yong liwanag
at ginhaw-ng hatid ng arugang
hindi namimili
ng bahaging iibigin
ramdam na ramdam
kung pa’no mo hagkan
kasiguraduhang
hindi kailangang patunayan
(refrain)
ohhh~~
(chorus)
hindi na makita ang
sariling tumigil pang
mamuhay sa ‘yong tanglaw
liwayway sa ‘king panglaw
mali daw umikot ang
lahat sa isang nilalang
e paano kung ‘di na gagalaw
ang buong mundo ‘pag walang ikaw?
(verse 2)
lahat ay pinapakinggan
bawat daing at pinapasan
ni minsan ‘di hinusgahan
sa nakaraan, niyakap mo nang walang
inaasahang kapalit
kamalia’y hindi
ginaw-ng dahilan
upang talikuran
bagkus pinili pang alagaan
(refrain)
oooohhhh~~
hindi na makita ang
sariling tumigil pang
mamuhay sa ‘yong tanglaw
liwayway sa ‘king panglaw
mali daw umikot ang
lahat sa isang nilalang
e paano kung ‘di na gagalaw
ang buong mundo ‘pag walang ikaw?
(bridge)
hagkan mo lang nang
walang pagtatangkang bumitaw
‘wag muna, bumitawan
hagkan mo lang nang
walang pagtatangkang bumitaw
‘wag muna, bumitawan
hagkan mo lang nang
walang pagtatangkang bumitaw
‘wag muna, bumitaw
(high note)
oooooohhhhh~~
(chorus – final)
hindi na makita ang
sariling tumigil pang
mamuhay sa ‘yong tanglaw
liwayway sa ‘king panglaw
mali daw umikot ang
lahat sa isang nilalang
e paano kung ‘di na gagalaw
ang buong mundo ‘pag wala—ka?
alam kong hindi na gagalaw
ang buong mundo ‘pag walang ikaw
letras aleatórias
- letra de hakutaki - haitham kim
- letra de from the ashtray - bonginator
- letra de candle - now more than ever
- letra de bedroom (feat. anne-marie) - jj lin feat. anne-marie
- letra de zug o pered - זוג או פרד - ha'anashim - האנשים
- letra de den ine arga (niadoka remix) - k.bhta (grc)
- letra de tebi da budem jedina - vera nešić
- letra de thought i knew u - lucent
- letra de omg! (wish i had a gun) - wig wam
- letra de yesh beze ta’am - יש בזה טעם - dana berger - דנה ברגר