letra de lihim - fika
[verse 1]
hindi mo ba napapansin ang aking pagtingin
na parang isang bituin na walang ningning?
hindi mo ba naririnig ang aking awitin
na parang isang hiling na ‘di pa dumating?
[chorus]
sana’y mapansin sa gustong iparating
na ikaw ang tinitibok ng damdamin
sana’y mapagbigyan sa gustong sambitin
na ikaw ang hiling na gustong dumating
[verse 2]
hindi mo ba nadarama ang aking pagsinta?
dito sa puso ko, ika’y nag-iisa
hindi mo ba nahalata na gusto kita?
dito sa mundo ko, ika’y mahalaga
[chorus]
sana’y mapansin sa gustong iparating
na ikaw ang tinitibok ng damdamin
sana’y mapagbigyan sa gustong sambitin
na ikaw ang hiling na gustong dumating
[instrumental break]
[chorus]
sana’y mapansin sa gustong iparating
na ikaw ang tinitibok ng damdamin
sana’y mapagbigyan sa gustong sambitin
na ikaw ang hiling na gustong dumating
[outro]
na gustong dumating
na gustong dumating
na gustong dumating
na gustong dumating
letras aleatórias
- letra de run run run - fabrizio cammarata
- letra de des étoiles (estrellas french version) - florence k.
- letra de melodramatically in love - disquiiet
- letra de bliksem - nielson
- letra de de una historia en soledad - álvaro moscoso
- letra de ghostwriter - andyqarl
- letra de şarap ve seks - venus88 & resit kemal
- letra de bayramın olsun - emel sayın
- letra de 아프로디테 (aphrodite) - b.i.g (비아이지) (kor)
- letra de backwoods - jaytee (deu)