letra de gunita - end street
[verse 1]
‘di ko na masilayan ang kulay ng ulap
oh, ang lamig ng buwan, pagsibol sa kalangitan
nanlalamig ang pusong puro lang sakit
kaya pwede na bang mamahinga ng saglit?
[verse 2]
at kung ‘di na mabibigyan ng buhay ang himig
kakayanin mo bang ikaw na lang ang huhuni?
patuloy sa pag-ikot ang kamay ng orasan
tuluyan na bang napag-iwanan?
[chorus]
paano kung sa paggising mo hinahanap mo ako?
kaso walang tumutugon, kahit pagsapit ng dapit-hapon
kung ang yakap ko ay walang higpit
gaano kasakit kung ang bukas ay hindi ko maipangako
[verse 3]
at kapag nasinagan na ng huling liwanag
pwede mo bang ipangako sa’kin na
kung pag-ibig para sa’kin ang natitira
ipamahagi mo na lang ito sa iba
[chorus]
paano kung sa paggising mo hinahanap mo ako?
kaso walang tumutugon, kahit pagsapit ng dapit-hapon
kung ang yakap ko ay walang higpit
gaano kasakit kung ang bukas ay hindi ko maipangako
[bridge]
at kung ako’y tatanggihan ng langit
pwede ba sa’yo ako’y k-mapit?
at ‘pag nagkita na tayong muli
aawitan kita tulad ng dati
[chorus]
paano kung sa paggising mo hinahanap mo ako?
kaso walang tumutugon, kahit pagsapit ng dapit-hapon
paano kung sa paggising mo hinahanap mo ako?
kaso walang tumutugon, kahit pagsapit ng dapit-hapon
kung ang yakap ko ay walang higpit
gaano kasakit? gaano kasakit? gaano kasakit?
letras aleatórias
- letra de 45 - lewxs
- letra de lavina jig - lars lilholt
- letra de deaf, dumb & blind - cilvaringz
- letra de pasaki man un tev - cosmos (vocal group)
- letra de she goin' up - chris brown & tyga
- letra de f*ck the smoking ban - beans on toast
- letra de run this game - ii kings
- letra de beam me up (didrick remix) - cazzette
- letra de rhyme reason - alex g
- letra de sala 8 - angel negro