letra de bulaklak sa buwan - ely buendia
[verse 1]
andito na naman
ang mga alinlangan at labis na pangangamba
bakit lagi na lang
gumugulong patungo sa dulo ng avenida?
kailangan ng impluwensya
[verse 2]
pa’no makakamtan
sagot sa katanungan? tunay na katotohanan
‘pagkat marami riyan
nabubulag na sa mumunting paraiso lamang
parang nasasaniban
[chorus]
huwag m-n-langin na may bulaklak sa buwan
ni hangin at ulan
ang mga rosas ay nasa bakuran mo lang
buhusan mo
[pre-chorus]
mayro’ng naglalako ng pantasya
‘yan ay delihensiya
makakadena sa pusod ng makinarya
[chorus]
sinong nagsabi na may bulaklak sa buwan?
wala sa kasalukuyan
kahit pilitin, hindi mapatutunayan
ang ulap na hagdan
[post-chorus]
bilog na buwan
walang laman
hayaan mo na lang ilawan ang gabing walang hanggan
[instrumental break]
[pre-chorus]
mayro’ng naglalako ng pantasya
‘yan ay delihensya
makakadena, alipin ng sandinista
[chorus]
sinong nagsabi na may bulaklak sa buwan?
ni hangin at ulan
ang mga rosas ay nasa bakuran mo lang
wala nang dahilan
[post-chorus]
sinong nagsabi? sinong nagsabi?
walang bulaklak sa buwan
sinong nagsabi? sinong nagsabi?
walang bulaklak sa buwan
sinong nagsabi? sinong nagsabi?
(sinong nagsabi na may bulaklak sa buwan?)
walang bulaklak sa buwan
sinong nagsabi? sinong nagsabi?
(kahit pilitin, hindi mapatutunayan)
walang bulaklak sa buwan
[bridge]
walang bulaklak sa buwan
walang bulaklak sa buwan
[outro]
sinong nagsabi? sinong nagsabi?
walang bulaklak sa buwan
sinong nagsabi? sinong nagsabi?
walang bulaklak sa buwan
sinong nagsabi? sinong nagsabi?
walang bulaklak sa buwan
letras aleatórias
- letra de la vida en el templo - mente sabia crú
- letra de on my way - don’talk
- letra de só falta você (cover) - ingrid solano & kayky freitas
- letra de himalayas - magic island
- letra de wake up - isotwelve
- letra de prosper - selfmxdebless
- letra de ihadthought - jeremy crescendo
- letra de jetlag - rollin thrax
- letra de origami - älskar
- letra de надоело (tired of it) - don’talk