letra de paano - dulce (phl)
[verse 1]
paano kung wala ka na?
paano ba ang mag-isa?
mula nang makasama ka
kung paano’y limot ko na
[verse 2]
paano ang pag-ibig ko
kung ‘di rin lang laan sa ‘yo?
ang buhay ng ating mundo
‘di ko alam kung paano
[chorus]
bago ka lumisan, sana’y maturuan mo
na iwasan ang bawat nakasanayan ko
at limutin na ang maghintay lagi sa ‘yo
paano ba ito?
o, kay daming bag-y na hindi ko na alam
tulad ng lumuha at sa ‘yo ay magdamdam
dahil naniwalang labis mo akong mahal
laman ng bawat mong dasal
[verse 3]
paano’ng aking gagawin
kung ‘di mo na ako pansin?
kung ito’y panaginip din
paano ba ang magising?
[chorus]
bago ka lumisan, sana’y maturuan mo
na iwasan ang bawat nakasanayan ko
at limutin na ang maghintay lagi sa ‘yo
paano ba ito?
o, kay daming bag-y na hindi ko na alam
tulad ng lumuha at sa ‘yo ay magdamdam
dahil naniwalang labis mo akong mahal
laman ng bawat mong dasal
[outro]
paano ba, aking mahal?
paano ba, mahal?
letras aleatórias
- letra de май (may) - пабло, mr lambo & айни (aini)
- letra de arrastrando la cobija (versión mariachi) - lupillo rivera
- letra de robot - cnblue
- letra de night we met - portion
- letra de a lenda (part. linn da quebrada) - jup do bairro
- letra de last summer (slowed) - ooes
- letra de neotve4u - ywbprince
- letra de psychic link - ☆starrbby★
- letra de bb intéressante - thanubis
- letra de саботаж (sabotage) - стёпа ч (stepa ch)