
letra de bagong pag-asa - don ico
ako’y nangangamba
na wala na ngang pag-asa
subalit tumindig ka
at sabi mo lalaban ka
kami ay natatakot
kapamilya’y dinudukot
ng pulis na baluktot
ang batas pinaiikot
panahon na para palitan
ang bulok na sistema ng ating bayan
sa pagtindig mo, berdugo’y nayanig
sa bagong pag-asa, bagong tinig
tayo ay naghihirap
nang dahil sa mga kurap
tayo’y ‘di nagkulang sa sikap
para sa ating pangarap
kurapsyon, talamak na
sa gitna pa ng pandemya
presidenteng nakainom tila
pinagtatanggol ay tsina
panahon na para palitan
ang bulok na sistema ng ating bayan
sa pagtindig mo, mga traydor ay nayanig
sa bagong pag-asa, bagong tinig
ang anak ng diktador
dahan-dahang bumabalik
ganid, di makuntento
mangnakaw sa pilipino
panahon na para palitan
ang bulok na sistema ng ating bayan
sa pagtindig mo, magnanakaw nayanig
sa bagong pag-asa, bagong tinig
ikaw lamang ang ilaw
na magsisilbing liwanag
ikaw’ng bagong pag-asa
at hindi ka patitinag
dahil sa’yo’y nagising
natutulog naming lakas
para sayo, para sa amin, para sa pilipino!
panahon na para palitan
ang bulok na sistema ng ating bayan
sa pagtindig mo, kadilima’y nayanig
sa bagong pag-asa, bagong tinig
letras aleatórias
- letra de gucci chair - role model
- letra de candlelight - maccabeats
- letra de spicy sauce (official audio) - degrade (pt)
- letra de carry on - krysten berg
- letra de chasing the guillotine - ghost cassette
- letra de money talk - chief keef
- letra de i wanna - con brio
- letra de opposition - tazwxy
- letra de chemistry - ca$hpassion
- letra de dichtbij mij - jok3r (nl)