letra de maskara - dilaw
iba’t ibang anino, pare-parehas ang anyo
sari-saring kwartong bubukod sa iisipan mo
nasimot na ang yago, hanggang kailan ka yuyukdo?
mula sa matakip-silim na maskarang ginamit mo, mm, oh
magdiriw-ng, sa silid nakapikit, nakakubling magsasayaw
wala ka nang matatanaw, bawat padyak hatid ay ligaw
[chorus]
lingid sa’yong mga mata, madilim o maliwanag
balat kayo magkaila, wala namang pinagkaiba
balutin ang iyong diwa, hayaan mo silang magtaka
kapag hindi nahalata, suot muli ang maskara
tumatalukbong sa pekeng anyong
mistulang pagong ang sarili kulong
halong sagot at tanong ang bulong
ng taong puti o itim ang barong
magsusuot ng maskara karamihan sa kanila
hahamakin ang isa’t isa animo’y anino
magsusuot ng maskara karamihan sa kanila
hahamakin ang isa’t isa animo’y anino niyang
nagdarasal, nangungumpisal
magandang asal, gawaing moral
silang maraming daldal, mga hinalal oh, mga hangal
nagbubulag-bulagan sa taimtim na buwan
mga bula-bulaan nagsama sa isang dula
wala ka nang magagawa, mabubura ang maskara
[chorus]
lingid sa’yong mga mata, madilim o maliwanag
balat kayo magkaila, wala namang pinagkaiba
balutin ang iyong diwa, hayaan mo silang magtaka
kapag hindi nahalata, suot muli ang maskara
lingid sa’yong mga mata, madilim o maliwanag
balat kayo magkaila, wala namang pinagkaiba
balutin ang iyong diwa, hayaan mo silang magtaka
kapag hindi nahalata, suot muli ang maskara
letras aleatórias
- letra de 分你一半眼淚 (half of your tears) - 印子月(luna yin)
- letra de реанимация - consumane, odlazak
- letra de i never wanted anything more than i wanted you - kina grannis
- letra de rewind - zoë nutt
- letra de pimp - yoboimustard
- letra de walt disney vs shigeru miyamoto - epic rap battle parodies
- letra de söyle bana neden - yusuf dinç
- letra de grim dimensions of rot - timeless wounds
- letra de jxdbefbrbrb - jfiivhniwbfjwdnbfw
- letra de south hoes - herasita