letra de iniwan mo - dianne dela fuente
[verse 1]
masakit sa akin ang isipin na wala ka na
parang ‘di ko kayang magpatuloy nang nag-iisa
‘di ko inakalang darating sa atin ang ganito
ang mabuhay nang wala sa piling mo
[chorus]
kay hirap namang tanggapin na mawawala ka na
kay sakit namang isipin na ako’y iiwan mo na
dahil ‘di ko kaya ang mawalay ka sa buhay ko
naglaho ang lahat magmula nang ako’y iniwan mo (iniwan mo)
[verse 2]
sinubukan kong limutin ang ating nakaraan
mga sugat ng damdamin ang aking nakakamtan
‘di ko inakalang darating sa atin ang ganito
napakasakit isipin na wala na ang pag-ibig mo
[chorus]
kay hirap namang tanggapin na mawawala ka na
(kay hirap namang tanggaping mawawala ka na)
kay sakit namang isipin na ako’y iiwan mo na
dahil ‘di ko kaya ang mawalay ka sa buhay ko
naglaho ang lahat (naglaho ang lahat)
magmula nang ako’y iniwan mo
[bridge]
kung maibabalik ko lang sana ang ikot ng mundo
sa piling mo mahihimlay sa habang panahon
[chorus]
kay hirap namang tanggapin na mawawala ka na
(kay hirap namang tanggaping mawawala ka na)
kay sakit namang isipin na ako’y iiwan mo na
dahil ‘di ko kaya ang mawalay ka sa buhay ko
naglaho ang lahat (naglaho ang lahat)
magmula nang ako’y iniwan mo
[outro]
(iniwan mo, naglaho mula nang iwan mo)
iniwan mo
letras aleatórias
- letra de descending for now - underground lovers
- letra de low again - ked
- letra de bra musik (pastiche/remix/mashup) - brass knuckle & chilli vanilli
- letra de 배드모닝 (bad morning) - verbal jint (버벌진트)
- letra de tuzak - deli gömleği
- letra de bite my tongue - wait of the world
- letra de s.f.e. - darii
- letra de светофоры (traffic lights) - coldluv
- letra de pich to pich - shakhes
- letra de the world unknown - rexoria