
letra de silakbo - cup of joe
[verse 1]
magpapalunod ba sa dilim
o titingin sa mga bituin?
tutulugan ang gabi o ito’y aangkinin?
ipapabukas ko na lang ba ulit?
siya na lang bang magdidikta
ng aking pulso at paghinga?
‘di alam ang gagawin, gulo ba’y haharapin
tatakbo o dapat bang tiisin?
[pre-chorus]
dahan-dahang k-mawala
sa kapit na dinadala
‘di na magpapaakit pa
sa kapit ng ‘yong mata
[chorus]
hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo
sumabay na sa awitin, pakinggan ang tibok
‘wag na tatalikuran ang bigat ng unos
‘pag nasugat, ‘wag pigilan ang silakbo
[verse 2]
naaarawan na ang sakit
umagang tila nanlalambing
ako’y babangon na muli nang hindi nakapikit
tumatamis na ang lahat ng pait
[pre-chorus]
dahan-dahang k-mawala
sa kapit na dinadala
‘di na magpapaakit pa
sa kapit ng iyong mata
[chorus]
hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo
sumabay na sa awitin, pakinggan ang tibok
‘wag na tatalikuran ang bigat ng unos
‘pag nasugat, ‘wag pigilan ang silakbo
[post-chorus]
oh-oh
oh-oh
‘wag na tatalikuran ang bigat ng unos
‘pag nasugat, ‘wag pigilan ang silakbo
[bridge]
mga silid sa bahay ng ating damdamin
‘di na muling papatinag sa dilim
lalakasan ang himig ng mga salamin
palayain mga sigaw sa dingding
[chorus]
hayaang sumigaw ang pusong nabilanggo
sumabay na sa awitin, pakinggan ang tibok
‘wag na tatalikuran ang bigat ng unos
‘pag nasugat, ‘wag pigilan ang silakbo
[post-chorus]
oh-oh
oh-oh
‘wag na tatalikuran ang bigat ng unos
‘pag nasugat, ‘wag pigilan ang silakbo
letras aleatórias
- letra de beer in my system - v-let
- letra de surface (#surfacechallenge edition) - etta bond
- letra de an die wand - dicht und doof
- letra de way up - ellie (엘리) (kor)
- letra de giovane uomo (picciuli & fatture) - darko mammana
- letra de mushashi - ados
- letra de run run run - whitehorse
- letra de eu vou ficar dopado - kleiderman
- letra de dumbass freestyle - sleepee shady
- letra de tranqui - los buenos modales