
letra de nag-iisang muli / sagada (live at the cozy cove) - cup of joe - cup of joe
[verse 1]
kay lamig ng simoy ng hangin
mga talang yumayakap sa akin
kasabay ng aking pagpikit
suminag ang pait
pag-asa’y ‘di masilip
sa gitna ng gabing kay dilim
naghihintay mula takipsilim
‘di susuko sa pagtitiwalang
ikaw ay makakamtan
ng hindi panandalian
[pre-chorus]
kahit k-mpiyansa’y unti-unting nawawala
‘di uubra ang hamon ng duda
[chorus]
patuloy na aasa na ikaw ay makilala na
ng puso kong naghihintay
na makasama ka sa’king buhay
hanggang sa dulo ng walang hanggan
ikaw ang hanggan
patuloy na inaasam na masilayan na kita
babangon at lalaban at isisigaw ko kay bathala
ang kahilingang mahanap kita
ang tanging hangad ng puso’y ikaw
[verse 1]
balang-araw ay kakayanin ko ring
makita na ikaw ay wala na sa’king piling
kahit na mahirap kalimutan ang lahat ng alaala
iyong tandaan na ako’y masayang ika’y malaya na
[pre-chorus]
ako ay pipikit
hihinga ng malalim
sa huli ay bibitaw
[chorus]
sagada, kung sa’n lahat ay isinigaw
sa langit na ikaw ay muling matanaw
sagada, ang tagpuan kung sa’n itinakdang magwakas
ang kwento ng ako at ikaw
[post-chorus]
ikaw ang natitirang takbuhan
ng pusong ligaw at giniginaw
[chorus]
sagada, kung sa’n lahat ay isinigaw (ay isinigaw)
sa langit na ikaw ay muling matanaw (muling matanaw)
sagada, ang tagpuan kung sa’n itinakdang magwakas (paalam na, paalam na)ang kwento ng ako at ikaw (ako ay bibitaw na)
[outro]
balik takipsilim, sasapit na’ng gabi (ng puso’y ikaw)
mga bitui’y lumihis, sisikat nang muli (ng puso’y ikaw)
araw ay sumilip, nasilaw sa dilim
puso’y nagising
nag-iisang muli
letras aleatórias
- letra de billy elliot - mini skirt
- letra de lazy heart - black tambourine
- letra de black-hearted you - dngrhym
- letra de i'm listening - tenth avenue north
- letra de angelito - coqeéin montana
- letra de love you to the moon and back - korey buckets
- letra de #jorisduchas - thesadyvra
- letra de lord, help us forgive - sovereign grace music
- letra de bright future - icydarabbit
- letra de an american werewolf in bognor regis - raised by owls