letra de maging isang bayani - cooky chua
[verse 1]
“paano maging bayani?” madalas kong tanungin
sa kisig ba’t talino? pagdanak ng dugo?
mga kilala kong bayani, lahat nakahimlay
mayro’n kayang bayaning sa ngayon ay nabubuhay?
[verse 2]
isang inang lumayag tungong ibang bansa
dumanas ng hirap, matinding pag-iisa
kaniyang naging gabay, pag-ibig sa pamilya
‘di ba’t tulad niya ang matatawag na dakila?
[pre-chorus]
karaniw-ng tao
pambihirang puso
kaniya-kaniyang giting
kaniya-kaniyang galing
[chorus]
may angking kabayanihan ang bawat isa
‘di man napupuna, dakila rin pala
gising na kabayan, ba’t ‘di natin subukan?
huwag lang maging saksi, maging isang bayani
[verse 3]
sundalong ang hangad ipagtanggol ang bayan
ang para sa sarili, handang talikuran
tungkulin ng sundalo, sa ati’y walang halaga
ngunit ‘di ba siya ay karapat-dapat na dakila?
[verse 4]
sa labas ng tahanan, may tumatayong magulang
kaniyang pinupunan pagkukulang ng lipunan
binibigyang halaga kapakanan ng bata
‘di ba’t ang guro’y maituturing ding dakila?
[pre-chorus]
karaniw-ng tao
pambihirang puso
kaniya-kaniyang giting
kaniya-kaniyang galing
[chorus]
may angking kabayanihan ang bawat isa
‘di man napupuna, dakila rin pala
gising na kabayan, ba’t ‘di natin subukan?
huwag lang maging saksi, maging isang bayani
[bridge]
yapak nila ay ating sundan
halina’t tularan
[chorus]
may angking kabayanihan ang bawat isa
‘di man napupuna, dakila rin pala
gising na kabayan, ba’t ‘di natin subukan?
huwag lang maging saksi, maging isang
maging isang bayani
letras aleatórias
- letra de how i blew it with houdini - long fin killie
- letra de jvous en veux pas - christophe rippert
- letra de crush - charsoy
- letra de hysteria - jisaiah
- letra de failure - akai ito
- letra de flamenco pour maria - jean-pierre ferland
- letra de jimmie rodgers blues - merle haggard
- letra de styl - l2la
- letra de meal-bound boy - miss ohio's nameless
- letra de two step - dave matthews & tim reynolds