letra de mulat - chelsea dawn
[chorus]
imulat na ang mga mata
sapagkat ang dami pang nagbubulag-bulagan sa katotohanan
kailan ba sisimulan?
[verse]
gutom, bala, dahas, hangang kailan mawawakas?
at bakit ang batas, parang walang lakas?
panindigan, katuwiran, kapwa natin wag kalimutan
kaya pa ba ng ating lipunan?
tayo’y bayang binaboy
mga taong itinaboy
kaya’t tayo na’t magtulungan
magpakatapat tayong mga kabataang syang pag-asa ng ating bayan
wag na ilag-y sa bahala ang laban na tama
wala nang oras para maging duwag
(wala nang) oras para magbubulag-bulagan
[chorus]
oh, imulat na ang mga mata
sapagkat ang dami pang nagbubulag-bulagan sa katotohanan
kailan ba sisimulan?
[verse]
isipin ang bilyon-bilyong perang nawala
maiibalik pa ba kaya? maiibalik pa ba kaya?
ilang maysakit sana ang nakinabang, kapatid, wag nating kalimutan
tayo’y baong baon na sa utang
hanggan kailan kaya gagapang
sa lupang di na natin matatawag na talagang atin
nung tayo’y itinakwil, pinabayaa’t di pinahalagahan
kamangmangan ng mamamayan, palaging pinagsasamantalahan
kaya’t piliin na’ng pinuno kaya tayong paglinkuran
ng walang pagkiling, mahirap man o mayaman
ilang dugo pa ang dadanak
ang sagot sa pandemya’y wasak
ang ating ekonomiya’y bagsak
puso at buhay ng mga pilipino, hindi ang kabayaran
bridge:
kailangan ka ng pilipinas
kailangan ka ng pilipinas
kailangan tayo ng pilipinas
ikaw, ikaw, ako
tayong lahat ay kailangan ng pilipinas
[chorus]
oh, imulat na ang mga mata
sapagkat ang dami pang nagbubulag-bulagan sa katotohanan
kailan ba sisimulan?
oh, imulat na ang mga mata
sapagkat ang dami pang nagbubulag-bulagan sa katotohanan
kailan ba sisimulan?
letras aleatórias
- letra de prideaside - lucid
- letra de the rabbit hole - latir
- letra de monster in der stadt - monster high
- letra de division - loop la liste
- letra de don't leave me like this - skrillex & bobby raps
- letra de let the real church arise - harvest (band)
- letra de swingset - trentaco
- letra de damsel in distressed blue jeans - bby goyard
- letra de нет шансов - mrka
- letra de bright side of leprosy - destruction