letra de pakiusap - cesca
[verse 1]
ika’y aking anaki
nagkalabuan sa pagkinang ng dagat at kislap ng buwan
bawat isa’y magkakalahati
nasa atin na ang marahuyong balse ng gabi
[pre-chorus]
siguro balewala ang lahat ng sikretong binulong mo sa akin sa gitna ng dilim
siguro mas nais mo ang liwanag ang nakakasunog niyang dilim
[chorus]
pakiusap na lang, walang manghihinayang
dahil siya ang ‘yong pinili
sa’king panaginip, ikaw ang nasa isip
gusto ko nang magising
[verse 2]
ba’t ‘di mo nabanggit?
mahal mo na ang siya na dumarating at aalis nang bigla
‘di na lalayo sa bukang liwayway
na ‘di marunong magpaalam at agad mawawalay
[pre-chorus]
tayo ang tanging tahanan ngunit bakit mo napag-isipang magbasakali?
kasalungat ba ang magbubuo at maghihilom ng pusong may
kahati
[chorus]
pakiusap na lang, walang manghihinayang
dahil siya ang ‘yong pinili
sa’king panaginip, ikaw ang nasa isip
gusto ko nang magising
[bridge]
bakit parang paulit-ulit lang na kay dali-dali kong palitan
kung kelan ko napag-isipang magpalakas-loob ay bigla lang bibitawan
oh, sinta, masisi ba kita kung mas mahal mo ang siyang ‘di mo kilala?
oh, abad, masisi ba kita kung ‘yun din ang aking ginagawa?
[outro]
pakiusap mo na, ako ang nararapat
ngunit ‘di mo napansin ang ating tadhana
‘di mo masisisi ang nais kong pag-alis
na para bang pamahiin
letras aleatórias
- letra de монголоо санасан сэтгэл - я. гэрэлчулуун
- letra de time won't wait - m. ward
- letra de selina kyle - deepmaniac80
- letra de selbst verdient - capital bra
- letra de bloody nose - hollywood undead
- letra de queso - pell
- letra de mother - chiara parravicini
- letra de defying gravity - moira
- letra de bumblebee - lead
- letra de only 1 (interlude) - metro boomin