
letra de tumangis ang buwan - buklod
[verse 1]
nakalatag ang dilim
ang gabi’y walang katulad
walang palatandaan
huling gabi ng buhay mo
[verse 2]
inagaw ka
paulit-ulit na sinaktan
nagmamakaawa
paulit-ulit kang pinaslang
[chorus]
ang ‘yong munting katawan
labimpitong tag-araw
hitik ng pangarap ang ninakaw na buhay
tumangis ang buwan
yumakap ang dugo sa putikan
[verse 3]
ang ‘yong larawan
ay nakaukit sa ‘king diwa
kalaro, anak, at kapatid
kay dami nang pinapaslang
[verse 4]
sa mga sulok ng lungsod
sa kanayunan at kabundukan
nakalantad ang salarin
sa biktimang mga dukha
[chorus]
ano ang kasalanan?
ano ang kapalit?
pumatay ng paslit
na walang kalaban-laban
tumangis ang buwan
yumakap ang dugo sa palayan
[instrumental break]
[verse 5]
sa umagang parating
ang luha ay matutuyo
sa pumaslang at nag-utos
ang bayan ang siyang tutuos
letras aleatórias
- letra de of the flesh - eyeamki
- letra de pandemonium - infected rain
- letra de f*ck! - kai mori
- letra de tarzım değil - can bonomo
- letra de happy hurts - warren zeiders
- letra de take care - bright campa
- letra de side - adrobski
- letra de dragonius - lil jewish
- letra de so long - narada michael walden
- letra de to be yours - jennifer lopez