letra de hesus, aking kaibigan (bayan umawit winner) - bukas palad music ministry
[berso 1]
mula nang pagtawag mo’y marinig
ang puso’y nabuhay sa bagong pintig
turuan ng tapang ang aking tinig
nang maibunyag ko ang ‘yong pag-ibig
[berso 2]
mula nang pag-ibig mo’y nadama
kailanman di na ako nag-isa
anumang suliranin o problema
lahat kakayahin ‘pagkat nariyan ka
[koro 1]
o hesus, aking kaibigan
tanging sandigan
manatili sa ‘king puso
hesus, aking ligaya
tanging pag-asa
minahal mo ako
kahit di nararapat sa ‘yo
[berso 3]
takasan ko man ang ‘yong paglingap
hindi ka titigil sa paghahanap
saang sulok man ang aking marating
kasama kita at laging kapiling
[berso 4]
hanggang sa huli kong paghinga
pupurihi’t pasasalamatan kita
ikaw ang katuwiran, ikaw ang saysay
ikaw ang hantungan ng aking buhay
[koro 2]
o hesus, aking kaibigan
aking tanggulan
kupkupin ang aking puso
hesus, aking huwaran
dapat tularan
gabayan mo ako
nang ako’y mapalapit sa ‘yo
[koro 1]
o hesus, aking kaibigan
tanging sandigan
manatili sa ‘king puso
hesus, aking ligaya
tanging pag-asa
minahal mo ako
kahit di nararapat sa ‘yo
o hesus, aking kaibigan
tanging sandigan
manatili sa ‘king puso
hesus, aking ligaya
tanging pag-asa
minahal mo ako
kahit di nararapat sa ‘yo
[koro 2]
o hesus, aking kaibigan
aking tanggulan
kupkupin ang aking puso
hesus, aking huwaran
dapat tularan
gabayan mo ako
nang ako’y mapalapit sa ‘yo
[koda]
gabayan mo ako, sa ‘king pagkalito
tanglawan mo ako, saanman landas ko
minahal mo ako nang ako’y magmahal tulad mo
letras aleatórias
- letra de sangre en nieve - taxx
- letra de pamtim savet oca svoga - jašar ahmedovski
- letra de pass the peacepipe - peter stampfel
- letra de the end of time - moman08
- letra de i will wake orion - vector of underground
- letra de mont d'youville - les bas-vilains
- letra de dime quién soy - saronrose
- letra de ariya theeram (derby tomhills remix) - derby tomhills
- letra de войс 8 (voice 8) - cresco
- letra de игрушка (toy) - whypleexy