
letra de ako naman muna - brei binuya
[verse 1]
kada hakbang sa lupa’y para akong inaalon
at nalulunod sa batikos ng mundo
sa kung ano lamang ang kaya ko
pigang-piga na sa mga
problemang ‘di masolusyonan agad
parang wala ng bukas, pwede bang umiwas?
[verse 2]
hinahanap ang sarili ngunit
‘di na kakayanin sa ligaw na dinadaanan ko
sa’n na ‘to patungo?
sa’n na ‘ko patungo?
[pre-chorus]
dahan-dahan nating simulan muli ang paghakbang
dahan-dahang tumingin sa salamin
upang makita ang ating kagandahan
dahan-dahang iangat ang mukha
upang masilayan ang payapang kalangitan
[chorus]
oo, pagod ka na
pero ‘di ka nag-iisa
kaya’t lumaban ka
at sabihing, “ako naman muna”
[verse 3]
huminga ka nang malalim at isipin nang mabuti
ang mga desisyong ilalaan para sa kinabukasan
nang makapunta sa paroroonan kung
[pre-chorus]
dahan-dahan nating simulan muli ang pahakbang
dahan-dahang tumingin sa salamin
upang makita ang ating kagandahan
dahan-dahang iangat ang mukha
upang masilayan ang payapang kalangitan
[chorus]
oo, pagod ka na
pero ‘di ka nag-iisa
kaya’t lumaban ka
at sabihing, “ako naman muna”
letras aleatórias
- letra de screaming from the top of the stairs - black cross
- letra de как ты там? (how are you) - rasa (rus)
- letra de alle tage - alles gleich - dritte wahl
- letra de obsession (obsessive mix) - smash!! (group)
- letra de rum 'n' coke - noora
- letra de daydream - levenlux
- letra de bounce - frej larsson
- letra de raven - mark owen
- letra de changes - austink47
- letra de right away - naithzirk