
letra de gising na kaibigan ko - bayang barrios
nakita mo na ba ang mga bagay
na dapat mong makita
nagawa mo na ba ang mga bagay
na dapat mong ginawa
kalagan na ang tali sa paa
imulat na ang ‘yong mga mata
kay sarap ng buhay
lalo na’t alam mo kung saan papunta
gising na kaibigan ko
ganda ng buhay ay nasa sa ‘yo
ang oras daw ay ginto
kinakalaw-ng lang ‘pag ginamit mo
may mga taong bulag
kahit dilat ang mata
may mga taong tinatalian
sariling kamay at paa
problema’y tinatalikdan
salamin sa mata’y hindi makita
kay sarap ng umaga
lalo na’t kung ika’y gising
tanghali’y maligaya
kung ika’y may makakain
ang gabi ay mapayapa
kung mahal sa buhay ay kapiling
kay sarap ng buhay
lalo na’t alam mo kung saan papunta
gising na kaibigan ko
ganda ng buhay ay nasa sa ‘yo
ang oras daw ay ginto
kinakalaw-ng lang ‘pag ginamit mo
kailan ka pa magbabago
kailan ka pa matututo
ang lahat ng ilog sa dagat patungo
buksan ang isipan at mararating mo
kay ganda ng buhay sa mundo
nakita mo na ba ang mga bagay
na dapat mong makita
nagawa mo na ba ang mga bagay
na dapat mong ginawa
kalagan na ang tali sa paa
imulat na ang ‘yong mga mata
kay sarap ng buhay
lalo na’t alam mo kung saan papunta
kay sarap ng buhay
lalo na’t alam mo kung saan papunta
kay sarap ng buhay
lalo na’t alam mo kung saan papunta
letras aleatórias
- letra de disforia - veranito pastel
- letra de постепенно (gradually) - 7ishina
- letra de rather be dead - escape the fate
- letra de break a cowboy - sj mcdonald
- letra de landslide links (national cheer version) - lodestar (charlotte)
- letra de i know you're missing us - jae moneta
- letra de goodness gracious - king tigg
- letra de enfermedad - pródigo secreto
- letra de daimler - lostboysparadise
- letra de yellow skittles - xgum