letra de babae kang malaya - bayang barrios at ang naliyagan
[verse 1]
kalahati ka ng langit ng lupa
ng bawat nilalang sa mundo
ikaw ang nagluwal at umusbong ang buhay
ikaw ang awit sa tag-aliw
[chorus]
walang dapat magmay-ari
sa iyong diwa’t panaginip
pangarap mo ay angkinin
mabuhay kang malaya
pangarap mo ay angkinin
mabuhay kang malaya
[verse 2]
kung ikaw ay bihag ng paniniwala
at ang salita’y punyal na sumusugat
kung ang pangakong pag-ibig
na bunga pasakit
sikapin mong umalpas
[chorus]
walang dapat magmay-ari
sa iyong isip at damdamin
pangarap mo ay angkinin
babae ka, lumaya
pangarap mo ay angkinin
babae ka, lumaya
[bridge]
magbabago ang ugnayan
sa tahanan at lipunan
kung tinig mo’y maririnig
tayong lahat ay lalaya
kung ikaw ay malaya
uukitin natin ang kasaysayan
[instrumental break]
[verse 3]
ako ma’y unos
ika’y kanlungang ligtas
ang palad mo’y biyaya
dahil ikaw ang mukha ng kahirapan
putulin mo ang tanikala
[chorus]
walang dapat na maghari
sa iyong isip at damdamin
pangarap mo ay angkinin
babae ka, lumaya
pangarap mo ay angkinin
babae ka, lumaya
pangarap mo ay angkinin
babae ka (babae ka), lumaya
pangarap mo ay angkinin
babae ka (babae ka), lumaya
letras aleatórias
- letra de moj milane - eldorado
- letra de gewoon opnieuw - alex klaasen
- letra de home - star horse
- letra de passenger - staysolidrocky
- letra de i'm a mess - judy blank
- letra de in my mind - tina carzon
- letra de hooly - глюкі (gluki)
- letra de more or less - jordy (uk)
- letra de alles facts - cashcarli
- letra de relax - yrm bear