letra de ngayon - basil valdez
ngayon ang simula ng hiram mong buhay
ngayon ang daigdig mo’y bata at makulay
ngayon gugulin mo nang tam’at mahusay,
bawat saglit at sandali
magsikap ka’t magpunyagi
maging aral bawat mali
ngayon bago it ay maging kahapon(kahapon)
ang pagkakataon sana’y huwag itapon(ooh)
ikaw, tulad ko rin ay may dapithapon,
baka ika’y mapalingon
sa nagdaang bawat ngayon
nasayang lang na panahon
ituring mong kahapo’y waring panaginip lang
ang bukas, pangitain n’yang ganda’y sa isip lang,
kung bawat ngayon mo sa ‘yo ay (laging) sulit lang
kayganda ng buhay ngayon
sa buhay mong hiram(sa buhay mo)
mahigpit man ang kapit(kapit)
may bukas na sa yo’y di na rin sasapit(ooh)
ngunit kung bawat ngayo’y dakila mong nagamit
masasabi mong kahit na
ang bukas, di sumapit pa
ang naabot mo’y langit na
ituring mong kahapo’y waring panaginip lang
ang bukas, pangitain n’yang ganda’y sa isip lang,
kung bawat ngayon mo sa ‘yo ay (laging) sulit lang
kayganda ng buhay
bukas mo’y matibay
dahil ang sandiga’y ngayon (ahh)

letras aleatórias
- letra de i must be somebody else - gene watson
- letra de на блоки (on the blocks) - jeemachello
- letra de unleashed hostility - antichrist siege machine
- letra de standing shadows - chinko the prophet
- letra de fade em once more - 26ar
- letra de strawberry fields - princesa alba
- letra de let go - yuri khedz & habiba eldakar
- letra de quiero más/será mejor - little jesus
- letra de toxxxic - 平野綾 (aya hirano)
- letra de nesladko (несладко) - lesya lass