letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de ekskomunikado - apoc the death architect

Loading...

gusto niyo ‘kong itaboy sapagkat iba ang aking timpla
gusto niyo ‘kong echapwera ‘pagkat iba ang aking bira
pano mo naisip na kahinaan ang maging iba
kung kakaiba ang maging iba, kakaiba ang maging iba

chorus
eksekskomunikado
eksekskomunikado
eksekskomunikado
ang maging iba ay tunay na kapangyarihan

ako’y adik sa pagsulat ng awit
alam lahat ng fanatic na kaledad ko ay matik
walang antics pero pumapatay nang walang malasakit
ng mga artist sa pagamit lang ng lapis mala-john wick (raaah!)

boombap o trap beat. kayang sumabay na walang sabit
loob ng kabaong daw sobrang classic. di maluluma ang bawat topic
battle tactics ay mapanganib. suntok at anggulo na mala-manny
sa sobrang graphic lahat nag-panic parang na-bad trip nang naka-acid

pero laughtrip. ang trato sakin ang parang blacksheep
tanong niyo bakit wala kong top hits. at bakit laging ika’y malalim
ugh! simpleng sagot yo. ako ay dagat, kayo ay batis
kaya hanggang ng-yon di niyo ako makita na para bang atlantis
gusto niyo ‘kong itaboy sapagkat iba ang aking timpla
gusto niyo ‘kong echapwera ‘pagkat iba ang aking bira
pano mo naisip na kahinaan ang maging iba
kung kakaiba ang maging iba, kakaiba ang maging iba

chorus
eksekskomunikado
eksekskomunikado
eksekskomunikado
ang maging iba ay tunay na kapangyarihan

ang bars mo ‘poc unorthodox – ganyan ang binabansag
hindi trendy mga medley kaya ekis ka sa masa at
di mo trip to kasi weirdo aking stilo at nilalahad
eh di inamin mo rin di pangkaraniwan aking pagrarap

pano tatatak o aangat ang antas kung mga tracks ay palasak
ang magadjust sa mga nagaganap ay talagang sagad sa wack at
ba’t aabang sa paandar ng lahat na para bang caravan
wala namang alamat na ‘di namumukodtangi ang ambag

hanggang diyan ka lang. tagasampa ka lang
ng agos ng iba habang ako tagasisid na ng karagatan
kasi malamang madaling sumampa sa kalsada ng ibang nilalalang
pero di mo kaya mags-m-nto ng sarili mong daan
gusto niyo ‘kong itaboy sapagkat iba ang aking timpla
gusto niyo ‘kong echapwera ‘pagkat iba ang aking bira
pano mo naisip na kahinaan ang maging iba
kung kakaiba ang maging iba, kakaiba ang maging iba

chorus
eksekskomunikado
eksekskomunikado
eksekskomunikado
ang maging iba ay tunay na kapangyarihan

sa mga abnormal ang utak, sa mga weirdo itsura
mga tinapon sa gubat, binansagan na basura
bago pumatak ang ‘yong luha, dapat isipin mo muna
mga henyo sa kasaysayan ay mga tinakwil din sa una

mga idea ni einstein at tesla ay minsan sinuka
picasso at plato sa umpisa walang naka sikmura
kaya naman walang duda. ganito talaga ang ruta
nang mahulma ang mga pastol na susundan ng maraming mga tupa

lahat ng tagalabas ay malawak ang kamalayan
pagkat di kami nakakahon sa palutuntunan ng mamamayan
habang ang mga tagaloob ay may mga pader na natatanaw yan
at lahat ng tagalabas ay walang balakid sa namamatahan
nahatulang ekskomunikado – nagkamali ka sakin ng pagsukat
nagkasugat man sa pagtulak mo sakin sa burak, don ako namulat
at don ko nasulyap, nabuklat ang potensyal na tatagos sa mga ulap
kaya ba’t ako tutulad kung pwersa ang walang katulad

gusto niyo ‘kong itaboy sapagkat iba ang aking timpla
gusto niyo ‘kong echapwera ‘pagkat iba ang aking bira
pano mo naisip na kahinaan ang maging iba
kung kakaiba ang maging iba, kakaiba ang maging iba

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...