letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de 220 - jude the zaint

Loading...

yeah! uh!
isang awitin na magbubukas ng sarado
magtatanggal ng sobra sa daanan na barado
kasi di pang-karaniwan parang buwan ng pebrero
kasama lagi ang puso at preparado
tunay na buhay ang inaawit
lupa’y hinukay hanggang mangawit
aking leeg kakatitig sa kwaderno
upang makakuha ng liglig na pangterno
sa tunog na ito na lusog ang maaani
pinakinggan ng mabuti nabusog ang marami
ayan ang aking pakay sa larangan kong mahal
at hindi ang k-mita ng bulsa ay k-mapal
at sa mga pagsubok kasama ang may kapal
puso ang dala sa bawat pagtatanghal
dahil kung hindi yan tunay hindi yan magtatagal
kaya marami ang sumabit para ‘di lang matanggal
turing ko sa musika ay aking asawa
na kahit anong mangyari ay hindi magsasawa
maraming sakripisyo nang makatula lang
‘di tulad ng ilan na naka tulala lang
mala ulap ang taas ng aking mga pangarap
nang aking matanaw kung anong meron sa rap
dahil hindi ko tanggap na ang mga panggap
ang siyang tumatamasa at ang nasa may harap
pero okay lang naman kahit na nasa likod
basta hindi baluktot ang aking paglilingkod
at paw-ng katotohanan ang mga sinasabi
hindi kapag sumulat iba na ang pangyayari
ano nga ba ang nangyari, nawalan ng enerhiya
sistema ay bulok eh kasi nga monarkiya
respeto sa madla ‘di madali na kuhain
kaya marami ang nagtangka na ito’y nakawin

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...