letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de maleta - gloc 9 feat. julie anne san jose

Loading...

ayoko na sa’yo
dahil lahat nang sinabi mo’y hindi totoo
ano ang plano mo?

kapag lahat ng binali ko’y
sagad na sa buto
pero nakapagtataka
bakit mahal pa rin kita
o sadyang nakapagtataka
dahil mahal pa rin kita

lumapit kahit na malayo ka
(ang lahat ay ginawa
ano nga bang napala, dito ka sa kanan ako naman ang sa kaliwa)
kahit kaya pa’y paalam na
(di ko maikakaila kahit na sa kabila ng
lahat ay hahanapin ka pa rin sa simula)
lumapit kahit na malayo ka
(ang lahat ay ginawa
ano nga bang napala, dito ka sa kanan ako naman ang sa kaliwa)
kahit kaya pa’y paalam na
(di ko maikakaila kahit na sa kabila)

malay mo’y magkita pang muli

maleta sa may pintuan na nakaabang
damit at mga alaalang syang laman
mabigat mang buhatin ay aking pasanpasan
matagal na pinagisipan nang matuklasan
ang katotohanang di matago
madami nang nagbago
kahit malayo ay tanaw
malinaw di malabo
mahabang listahan ng mga di natupad na pangako
parang gamogamo sa ganda mo
nakakapaso nakakasilaw
na parang ilaw ng chics sa kalsada
d man sigurado ang kita ay namamasada
parang pagtingin mo sakin
pwede ka bang kausapin
di ko sukat akalain
mangyayari to sa atin
ang hirap mong hagilapin
laging laman ng dalangin
liham na sanay meron ka pang oras na basahin

kahit basa na ng luha at ubos na nag tinta
di ako makapaniwala na mahal pa rin kita

lumapit kahit na malayo ka
(ang lahat ay ginawa
ano nga bang napala, dito ka sa kanan ako naman ang sa kaliwa)

kahit kaya pa’y paalam na
(di ko maikakaila kahit na sa kabila ng
lahat ay hahanapin ka pa rin sa simula)

lumapit kahit na malayo ka
(ang lahat ay ginawa

ano nga bang napala, dito ka sa kanan ako naman ang sa kaliwa)
kahit kaya pa’y paalam na
(di ko maikakaila kahit na sa kabila)
malay mo’y magkita pang muli

bata pa nang makilala ka
disiotso anyos
niligawan kaya d muna ko nakatapos
malayo mang pagitan pag naiwan humahangos
mga paang nakagapos sa pawis naghihilamos
pero naabutan mailap na hayop
napaamo, hawak kamay nilakaran ang lupa sa malalayo
marami ang nagsabi na hindi raw mangyayari
na ang isang katulad ko ay ituturing mong hari at iyong mundo
lahat ng hirap ko’y napawi
kahit magulo, ilawan ng mga kamay hinawi
sa tagal ng pinagsamahan

dalawampung taon ikaw ang nagpaalala sakin
sino ako noon at ano ang meron nang aking mapuno ang balon
at mga bangin na ako pa lamang ang tumalon
kaya kahit basa na ng luha at ubos na ang tinta
di ako makapaniwala na mahal pa rin kita

ayoko na sayo
dahil lahat ng sinabi mo’y hindi totoo
ano ang plano mo?

kapag lahat ng binali ko’y
sagad na sa buto
pero nakapagtataka
bakit mahal pa rin kita
o sadyang nakapagtataka
dahil mahal pa rin kita

lumapit kahit na malayo ka
(ang lahat ay ginawa
ano nga bang napala, dito ka sa kanan ako naman ang sa kaliwa)
kahit kaya pa’y paalam na
(di ko maikakaila kahit na sa kabila ng
lahat ay hahanapin ka pa rin sa simula)
lumapit kahit na malayo ka
(ang lahat ay ginawa
ano nga bang napala, dito ka sa kanan ako naman ang sa kaliwa)
kahit kaya pa’y paalam na
(di ko maikakaila kahit na sa kabila)
malay mo’y magkita pang muli

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...