letra de hanggang kailan, hanggang saan - gary granada
sa isang yugto, ang rosas ay
matutuyo, mamamatay
katulad ng marami nang sumpaan
sa isang puw-ng ng hininga
nagbago ang isa’t isa
may aalis at may isang iiwan
tayo kaya ay magtatagal
o sing-ikli ng isang kanta
gaano kaya kung magmahal
hanggang kailan, hanggang saan sinta
sa isang iglap magbabalik
sa isang sulyap, sa isang halik
maya-maya ay minsan pang lilisan
minsang sumpa’y nakakalas
at sugat ay dumadalas
paano pa, paano lulunasan
tayo kaya, mangangako pa
kung ang tamis di na madama
dapat kaya, dapat pa ba
hanggang kailan, hanggang saan sinta
hangga’t buo pa ang daigdig
at puso ko ay may pintig
hangga’t mayrong saysay ang kasaysayan
ang tagginaw at tagtuyot
ang tagpanglaw at taglungkot
sa piling mo’y aking makakayanan
hanggang tilas ay magbagong-anyo
hanggang sila’y maging paruparo
giliw sana’y pag-ibig mo
katulad ng pag-ibig ko sa iyo
hanggang ako’t ika’y naririto
letras aleatórias
- caroline kingsbury › letra de power - caroline kingsbury
- johndoe jpn › letra de intruder - johndoe (jpn)
- dani fernandez › letra de clima tropical - dani fernández
- earl sweatshirt › letra de east 4 [i miss the old earl] - earl sweatshirt
- evial › letra de 3mood - evial
- downwiththemob › letra de grip of myself - downwiththemob
- dean blunt › letra de kim gordon - dean blunt
- スキマスイッチ sukima switch › letra de ココロシティ (kokoro city) - スキマスイッチ (sukima switch)
- lil muillet › letra de get away - lil muillet
- sangold › letra de sound of love - sangold