letras.top
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

letra de niyebe (piano demo version) - eleazar galope

Loading...

[verse 1]
huwag kang matakot bumangon
limutin na ang pagtapon
akin na ang kamay mo’t sabay tayong umahon
ang gabi’y hindi maaagaw
magkasama hanggang umaraw
magkahawak-kamay at iiwanan ang kahapon

[pre-chorus]
pero kung sa isip lang magaganap
kahit gising, ako’y mangangarap
iisiping…

[chorus]
magkatagpo tayong dalawa
kahit hindi tayo itinadhana
susubukang abutin
pangalan mo’y sasambitin
ang puso ko’y iyong iyo

[verse 2]
pagod na rin na magpanggap
sabik na ‘ko sa ‘yong yakap
mahawakan ang kamay at ‘di na bibitawan
kung sabihin man ang pagtingin
sana sa ‘yo ay ayos din
magkahawak-kamay na hahamunin ang kapalaran

[pre-chorus]
pero kung sa isip lang magaganap
kahit gising, ako’y mangangarap
iisiping…

[chorus]
magkatagpo tayong dalawa
kahit hindi tayo itinadhana
susubukang abutin
pangalan mo’y sasambitin
ang puso ko’y iyong iyo

[bridge]
magawa man nilang ika’y maliitin
iba ka sa nalalabing mga bituin
ikaw ma’y niyebeng ‘di mahuhulog sa ‘kin
pipiliting…

[chorus]
magkatagpo tayong dalawa
kahit hindi tayo itinadhana
susubukang abutin
pangalan mo’y sasambitin
ang puso ko’y pipiliting…
magkatagpo tayong dalawa
kahit hindi tayo itinadhana
susubukang abutin
pangalan mo’y sasambitin
ang puso ko’y iyong iyo

letras aleatórias

MAIS ACESSADOS

Loading...